Itakda ang Barangay at SK election, hindi atras-abante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

Umaasa ang dating opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ganap na maisaayos at maitakda ng mga mambabatas ang regular na petsa ng halalang pambarangay sa bansa.

Ito ang saloobin ni Former PPCRV Chairperson Henrietta De Villa kaugnay sa panibagong pagpapaliban ng nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa May 2020.

Naninindigan si De Villa na dapat legal na maisabatas ng mga mambabatas ang magiging regular na petsa ng halalan upang maging patas ang haba ng termino ng panunungkulan ng mga opisyal ng barangay sa bansa.

Iginiit ni De Villa na hindi dapat maging atras- abante ang pagsasagawa ng halalan sa bansa na labag sa nasasaad sa Konstitusyon.

“Sana i-fix na nila, i-fix na nila hindi yung ganoong paatras abante at saka kailangan din yung terms ng barangay officials kailangan eksakto na rin hindi yung iba dahil mas matagal pinospone mas matagal ang kanilang panunungkulan. Yung iba naman dahil eksaktong ginanap maikli ang panunungkulan hindi maganda yun, kailangan lang i-fix na nila by law kung kailan ba ang eleksyon ng Barangay at ng SK…” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 1043 na sakaling maisabatas ay ipagpapaliban sa December 2022 ang Barangay at SK Elections o 5-buwan matapos ang pagsasagawa ng Presidential Elections sa Mayo ng kaparehong taon.

Kasunod nito ay isasagawa na kada 3 taon ang mga susunod na halalang pambarangay.

Samantala, aprubado na rin sa committee level ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bersyon ng panukalang pagpapaliban ng Barangay at SK Elections.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang eleksyon ay isang kongkretong pamamaraan kung saan nangingibabaw ang sama-samang boses ng mamamayan na humuhulma at nagluluklok sa mga susunod na lider ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,392 total reads

 128,392 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,266 total reads

 265,266 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,041 total reads

 381,041 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,188 total reads

 496,188 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top