PNP Chaplains, inatasang maging “moral compass” ng mga pulis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Hinimok ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga miyembro ng Philippine National Police Chaplains na maging mabuting ehemplo hindi lamang sa salita kundi sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Ang panawagan ng Obispo ay kaugnay sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa katiwalian maging sa kalakalan ng ilegal na droga na kinasasangkutan ng mga tinaguriang Ninja cops.

Binigyan diin ng Obispo sa mga Chaplain na kabilang sa kanilang mandato bilang pulis at pari ay maging gabay sa pamumuhay ng kanilang mga kasamahan.

“Itong mga pari ko, I always tell them that you are there because you are priest you are not there because you are a policeman or with ranks you are priest and that is where you are ask to serve as priest, as moral compass,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.

Sinabi ni Bishop Florencio na may 26 na police Chaplains sa PNP na kabilang sa 190 libong pulis sa buong bansa na gumagabay sa mga pulis na tuparin ang misyon para sa kabutihan.

“To do what is right and to avoid what is not good and not at the service of the people.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas

Hindi naman inaasahan ni Bishop Florencio ang ginawang pagbibitiw ni PNP Chief Oscar Albayalde makaraang masangkot ang pangalan nito sa ‘Ninja Cops’.

Naniniwala ang Obispo na ang pagbibitiw ni Albayalde sa tungkulin ay para na rin pangalagaan ang buong institusyon ng PNP.

“Unang-una this is something na hindi ko inaasahan. But then because of the line of responsibility, I think that was a good move. That was a heroic moved on his part kasi nadawit ang whole organization. But I feel sad na umabot sa ganung punto,” ayon kay Bishop Florencio.

Unang nagsagawa ng retreat and recollection ang PNP chaplains sa St. Therese Shrine sa Villamor Airbase upang pag-ibayuhin ang kanilang pastoral work sa hanay ng pulisya.

Nagkasundo din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at PNP sa pagkakaroon ng mga paghuhubog sa hanay ng pulisya o ang “Kaunting Pahinga” na ang layunin ay mapag-ibayo ang kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas, tagapangalaga at tagapaligtas ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 12,429 total reads

 12,429 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 47,258 total reads

 47,258 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 83,740 total reads

 83,740 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,952 total reads

 101,952 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 185,644 total reads

 185,644 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top