Diocese ng Tagbiliran, magsasagawa ng 2nd collection para sa Mindanao quake victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Nakiisa ang mananampalataya ng Bohol sa mga taga – Mindanao na apektado ng lindol na kanila ding pinagdaanan anim na taon ang nakalipas.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, trauma at takot din ang naidulot sa mga Boholano noong yanigin ng 7.2 magnitude na lindol na ikinasawi ng halos 200 katao habang bilyong pisong ari-arian ang nasira kabilang na ang ilang makasaysayang simbahan ng lalawigan.

“We in Bohol like to express our solidarity with the people of Mindanao by offering prayers,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na bukod sa mga nasirang materyal na bagay, niyanig din ang pananampalataya ng mamamayan subalit mas nanaig at mas tumibay ang pananalig sa Panginoon.

Ipinag-utos din ni Bishop Uy sa mga pari ng diyosesis na i-alay ang mga misa sa darating na Linggo (November 3, 2019) para sa mga biktima ng lindol partikular na ang mga nasugatan at nasawi.

Tiniyak din ng Obispo ang pagtutulungan ng mga Boholano upang makapagpaabot ng tulong pinansyal sa mga apektadong residente.

“We will do second collecton in all Masses this Sunday so that we can extend financial assistance to the survivors,” ani ng obispo.

Matatandaang ika – 31 ng Oktubre nang muling yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang North Cotabato dahilan nang pagbagsak ng ilang gusali sa Davao region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,613 total reads

 118,613 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,144 total reads

 256,144 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,920 total reads

 371,920 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,621 total reads

 487,621 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top