Walk the talk, hamon ng Nuclear Free Bataan Movement kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,540 total reads

Hinamon ng Nuclear Free Bataan Movement si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan at ipakita sa gawa ang pahayag na ipalit ang renewable energy sa mga coal fired power plants sa bansa.

Ayon kay Derek Cabe ng NFBM, positibong panukala ang pagpapatayo ng mga renewable energy sources sa bansa, ngunit kinakailangan itong mapatunayan ng bagong pangulo upang tunay na mapayapa ang kalooban at ang kapaligiran ng mga mamamayan ng Bataan.

Tiniyak rin ni Cabe na babantayan ng kanyang grupo ang magiging hakbang ni President Duterte kaugnay sa mapaminsalang Coal Fired Power Plants sa kanilang lalawigan.

“Nabasa ko lang sa facebook na gusto nilang i-review yung mga coal plants, pero syempre, one thing yung may pronouncements ka, another thing yung ipakita mo talaga sa practical at i-implement mo talaga yung patakaran,” pahayag ni Cabe sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng pagtutol ng mga residente, patuloy pa rin ang operasyon sa kanilang lalawigan ng 600 MW Coal Fired Power Plant Facility ng GN Power Mariveles Coal Plant Limited Company.

Magugunitang bago matapos ang termino ni dating pangulong Benigno Aquino III ay nilagdaan nito ang commission resolution 2016-001 na naglalayong siyasatin ang mga coal power plant sa bansa, at pag-ibayuhin ang paggamit ng bansa sa renewable energy.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong Laudato Si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 81,414 total reads

 81,414 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 125,725 total reads

 125,725 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 162,725 total reads

 162,725 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 269,600 total reads

 269,600 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 310,294 total reads

 310,294 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 10,993 total reads

 10,993 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 391,600 total reads

 391,600 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top