Men of Light ng Radio Veritas, ginawaran ng parangal ng CMMA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

Paiigtingin pa ng Men of Light ang kanilang gawain sa pagbabahagi ng mabuting balita ng Panginoon gamit ang makabagong uri ng media sa kasalukuyan.

Ayon kay Reverend Father Deogracias Galang, sisikapin ng grupo na makatulong na mapaigting ang katesismo tungkol sa pananampalatayang katoliko lalo’t nalalapit na ang pagdiriwang ng ika – 500 anibersaryo ng kristiyanismo sa 2021.

“We foresee Men of Light playing an important role in this wonderful celebration,” pahayag ni Fr. Galang sa Radio Veritas.

Tinatalakay sa nasabing programa ang mga ebanghelyo tuwing linggo upang mabigyan ng pagninilay at kapupulutan ng aral ng mga tagasubaybay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Sa ginanap na ika – 41 Catholic Mass Media Awards ginawaran ng Saint John Paul II Special CMMA Award Ang Men Of Light dahil sa natatanging ambag nito sa pagpapalago ng pananampalataya at turo ng simbahan.

Nagpasalamat si Fr. Galang sa pamunuan ng CMMA sa parangal na ibinigay na magsisilbing inspirasyon para mas pag-ibayuhin pa ang 16 na taong programa upang higit pang maabot ang mananampalatayang katoliko.

Sa salaysay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang main anchor ng Men Of Light, nagsimula ang programa sa Archdiocese ng San Fernando Pampanga sa pangunguna ng Archdiocesan Media-Apostolate Unlimited Incoporated (AMANU).

Pagsasalarawan ni Bishop David, informal at conversational mode ang ginagamit ng Men of Light sa mga talakayan upang higit na maunawaan ng manonood at tagapakinig ang bawat ibinabahaging impormasyon. Naging mentor ng AMANU sa pag-produce ng Men of Light ang namayapang batikang direktor sa pelikula at telebisyon na si Marilou – Diaz Abaya na naging direktor ng programa nang halos sampung taon bago pumanaw.

Ang Men of Light ay kasalukuyang napapanood sa CLTV 36, ang regional free channel ng Pampanga at maging sa mga social media sites tulad ng Facebook, Instagram, at Youtube habang napakikinggan din ito sa Radyo Maria at sa kapanalig na himpilan Radio Veritas 846 tuwing linggo alas kuwatro y media hanggang alas singko ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 20,100 total reads

 20,100 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 105,782 total reads

 105,782 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 143,154 total reads

 143,154 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 174,414 total reads

 174,414 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 246,355 total reads

 246,355 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top