Pangulo ng CBCP, suportado ng CBCP-ECC sa batikos ng DFA secretary.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa si Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico sa hangarin at panalangin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles para sa tagumpay ng kampanya laban sa illegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Leni Robredo.

Iginiit ni Bishop Famadico na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Clergy, iisa lamang ang layunin ng Simbahan at maging ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pagsugpo sa illegal na droga.

“Ako ay nakikiisa doon sa hangarin ni Archbishop (Romulo) Valles na sana’y magtagumpay itong hangarin din ng ating Pangalawang Pangulo (Leni Robredo) na mabigyan ng solusyon itong drug problem…” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala nagpaabot rin ng suporta at panalangin ang Obispo para sa tagumpay ng panibagong misyon ni Vice President Leni Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Bishop Famadico, nawa ay magkaroon ng patuloy na katapangan at kalakasan ng loob ang bise presidente upang gampanan ang kanyang panibagong tungkulin bilang drug czar sa kabila ng iba’t-ibang batikos sa kanyang plano at paraan ng pagsugpo sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

“Panalangin ko na ang ating Pangalawang Pangulo (Leni Robredo) ay magkaroon ng lalong malakas na suporta at biyaya galing sa ating Panginoong Diyos sa kabila nung mga batikos na tinatanggap niya sapagkat ito naman ay para sa kagalingan ng ating kapwa Filipino…” dagdag pahayag ni Bishop Famadico.

Ika-6 ng Nobyembre ng pormal na tanggapin ni Vice President Leni Robrero ang hamon ng administrasyong Duterte na pangunahan ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Kabilang sa tutukan at isaayos ng bise presidente ang pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng bansa na nakapagpapalusot ng illegal na droga, pagtugis sa mga ninja cops, mga drug lords at ang pagbibigay katarungan maging sa mga inosenteng napaslang sa War on Drugs.

Matatandaang binatikos ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin si Archbishop Valles matapos na manawagan ang Arsobispo ng panalangin sa matagumpay na kampanya laban sa illegal na droga sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice President Robredo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,750 total reads

 15,750 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,852 total reads

 52,852 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,122 total reads

 279,122 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,589 total reads

 172,589 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,829 total reads

 265,829 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top