Filipino hospitality, ipadama sa mga atleta ng SEA Games

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na magkaisang ipakita ang tunay na katangian ng mga Filipino bilang magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples’ (CBCP-ECMI) na dapat ipadama ng mga Filipino ang mainit na pagtanggap sa mga dayuhang bumibisita sa bansa.

“Let us all together, one and united to show our true face, that is, our caring and compassionate hospitality. We are all welcoming and endearing Filipinos, and so let them experience from us warm, concern and friendship,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa gaganaping 32nd Southeast Asian Games na magbubukas sa ika-30 ng Nobyembre kung saan ang Pilipinas ang napiling host country.

Nanawagan din si Bishop Santos sa mamamayan na wakasan ang hindi magagandang komento hinggil sa mga pagkukulang sa pagtanggap ng mga dayuhang manlalaro sa SEA Games 2019 sapagkat hindi ito nakatutulong sa paglutas sa suliranin.

“Let us set aside bitter criticism, unsavoury comments which will not inspire nor encourage our athletes and guests,” ani ni Bishop Santos.

Una nang binatikos ng mamamayan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng mga dayuhang bansa ang kakulangan sa kahandaan ng bansa sa pagtanggap ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa, ang pagbibigay ng pagkain at maging ang hindi pa natatapos na mga venue kung saan gaganapin ang ibang mga laro ng SEA Games.

Isang netizen naman ang nanawagan sa iba’t ibang insitusyon na magbayanihan upang suportahan ang mga atleta na kalahok ng SEA Games halimbawa sa pagbibigay ng pagkain at matutuluyan.

Binigyang diin ng pinuno ng migrants ministry ng simbahan na magkaisa ang mamamayan sa pagtulong sa anumang pamamaraan upang mapalakas ang kalooban ng bawat manlalaro.

“Let us foster cooperation and extend our helping hands to build up one another and our country; with this, we will win more than gold, we win their hearts and mind. Goodwill triumphs!”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 8,789 total reads

 8,789 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 95,567 total reads

 95,567 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 132,940 total reads

 132,940 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 164,201 total reads

 164,201 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 236,588 total reads

 236,588 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top