CBCP, paiigtingin ang kampanya laban sa child exploitation at human trafficking

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Tiniyak ng dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na ipagpatuloy nito ang pagkalinga sa mga Overseas Filipino Worker bagamat natapos na ang kanyang termino.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ang kasalukuyang pinuno ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Colegio Filippino, nakatutok ang kanyang paglilingkod sa mas malawak na grupong mangangalaga sa mga migrante.

“As I end my chairmanship at CBCP-ECMI, now I will be focusing more as ICMC (International Catholic Migration Commission) Asia-Oceania working group president; in Asia we turn our pastoral ministry and apostolate for the welfare and well-being especially of children,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, paiigtingin ng ICMC ang kampanya laban sa pananamantala at mailigtas ang mga kabataan na kadalasang biktima ng child labor at sexual exploitation.

Aniya, bilang simbahan ay mahalagang manindigan para ipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan at mamayani ang katarungan at pagkakapantay-pantay sa buong pamayanan.

“The Church as a mother speak, stands and serves her children, especially who are suffering, abused and used,” ani ng obispo.

Iginiit ni Bishop Santos na bilang mga anak ng Diyos ay dapat iwasan ang mga mapang-abusong salitang nakasasakit sa damdamin dahil maituturing din itong uri ng pananamantala.

“As sons and daughters of the Church, we also must speak words of care and compassion, not abusive nor offensive,” ani ni Bishop Santos.

Nanindigan ang dating pinuno ng migrants ministry na patuloy ang simbahan sa pagtulong sa mahigit sampung milyong OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo at maging sa tinatayang 25 milyong indibidwal na sinasamantala sa buong Asya.

“We stand for them, promoting their rights and protecting their dignity. We serves them by preventing from exploitation and human trafficking,” saad ni Bishop Santos.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pagpupulong ang ICMC-Asia-Oceania working Group sa Bangkok Thailand kung saan tema ang ‘Putting People at the Center’ na nagsimula noong a-1 at magtatapos sa ika-4 ng Disyembre upang talakayin ang mga programa sa pangangalaga ng mga migrante.

Pinamunuan ni Bishop Santos ang migrants ministry sa loob ng anim na taon kung saan iba’t ibang proyekto para sa mga OFW ang pinasimulan kabilang ang pagdalaw sa komunidad ng mga Filipino sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,962 total reads

 127,962 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,867 total reads

 264,867 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,642 total reads

 380,642 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,809 total reads

 495,809 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top