Simbahan, kumbento; binuksan para sa evacuees ng Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Binuksan ng Diocese of Gumaca, Quezon ang mga Simbahan at mga kumbento sa diyosesis para sa mga residenteng mangangailangan ng pansamantalang matutuluyan bunsod ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Gumaca Bishop Victor Ocampo nakahanda ang mga parokya at mga kumbento sa diyosesis na tumanggap at magpatuloy ng mga biktima ng bagyo dulot ng malalakas na hangin at ulan.

” Pinaghanda namin yung mga parishes, mga kumbento at mga parokya dahil sa malakas itong hangin at ulan…” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Ocampo sa panayam sa Radyo Veritas.

Bukod dito, naghahanda na rin ang diyosesis ng mga bigas at ilan pang relief items upang maipagkaloob sa mga residenteng mangangailangan ng agarang tulong.

“Ang aming Social Action ay naghahanda ng mga bigas para ipadala sa mga nangangailangan “ dagdag pa ni Bishop Ocampo.

Ipinanalangin naman ng Obispo ang paggabay ng Panginoon para sa kaligtasan ng bawat isa at kabutihan ng puso na magkaloob ng tulong para sa mga lubos na mangangailangan dulot ng sama ng panahon.

Ayon kay Bishop Ocampo, ang nagaganap sa bansa ay maituturing na isang paghahanda upang maging mulat sa pagdating ni Hesus ngayong panahon ng Adbiyento.

Batay sa tala, may halos 900,000 ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of Gumaca, Quezon na pinangangasiwaan ng may 68 na pari sa 29 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 111,266 total views

 111,266 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 235,677 total views

 235,677 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 275,753 total views

 275,753 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 349,529 total views

 349,529 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top