Pangunguna ni Pope Francis sa kauna-unahang Misa de Gallo sa Vatican, biyaya sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Inihayag ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos na malaking biyaya para sa mga Filipino ang nakatakdang pagdiriwang ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Misa de Gallo sa Roma.

Ayon kay Bishop Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Pontifical Collegio Filipino, magandang pagkakataon ito para makiisa at ibahagi ang biyaya ng pananampalataya ng mga Filipino sa kapwa lalo na sa mga dayuhan.

“With Holy Father to celebrate Misa de Gallo in Saint Peter’s Basilica recognises our deep faith and his love for us [Filipinos],” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Scalabrinian missionary Reverend Father Ricky Gente ng Filipino chaplaincy sa Roma, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pangungunahan ng Santo Papa ang ‘simbang gabi’ na bahagi ng tradisyon ng mga Filipino.

Binigyan diin ni Bishop Santos na ito ay pagkakataon na magkaisa ang mga migranteng Filipino upang maipalaganap ang pananampalataya maging sa ibang bansa.

“Our Misa de Gallo is very well known, very much attended not only our OFWs but even foreign nationals; it renews our Catholic practices and customs, solidifies and unites our OFWs with countrymen and our means to spread our Catholic Faith,” ani ng opisyal.

Umaasa ang obispo na hindi sayangin ng mga O-F-W ang pagkakataong inilaan ni Pope Francis na makibahagi sa tradisyon ng mga Filipino ang simbang gabi o siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ng Panginoong Hesus.

Sinabi ni Fr. Gente na bukas ang Basilica para sa 7,500 makiisa sa pagdiriwang kabilang na ang kinatawan ng Pilipinas sa Holy See na si Ambassador Grace Relucio-Princesa at ang kinatawan ng Italya na si Domingo Nolasco.

Ganap na alas kuwatro y media ng hapon, oras ng Roma ang pagdiriwang ng Banal na Misa.

Dahil dito hinimok ni Bishop Santos hindi lamang ang komunidad ng mga Filipino kundi higit sa lahat ang mga Pari ng Pontificio Collegio Filipino na makiisa sa unang pagkakataong pagdiriwang ng Santo Papa ng Simbang Gabi.

“We asked our OFWs to attend, our priests especially our Pontificio Collegio Filipino priests to concelebrate. This is a great grace-filled event that they should not miss. With the Holy Father celebrating our traditional Simbang Gabi is our beloved Pope Francis’ blessing to our country.”paanyaya ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,817 total reads

 15,817 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,918 total reads

 52,918 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,188 total reads

 279,188 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,655 total reads

 172,655 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,893 total reads

 265,893 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top