Gobyerno, hinamong tulungan ang mga pamilyang naulila sa giyera kontra droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total views

Hindi kumbinsido ang pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na mabawasan ang pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dr. Marita Wasan, walang malinaw na indikasyong matigil na ang mga pagpaslang dahil hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng Pangulong Duterte.

“Hindi kami naniniwala hanggat hindi namin [layko] nakikita ang katotohanan na pagbibigay hustisya sa bawat pamilya ng bawat taong pinatay dahil sa droga,” pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Pinuna ni Wasan at ibang human rights group ang patuloy na karahasan sa giyera kontra droga na pawang mga mahihirap ang napapaslang habang ang mayayamang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ay nakalalaya.

Ikinalungkot din ng opisyal ang pag-iral ng kultura ng kawalang pakialam ng ibang mamamayan sa tunay na sitwasyon ng bansa.

Batay sa tala ng iba’t-ibang human rights group, mahigit na sa 20-libong indibidwal ang nasawi dahil sa panlalaban sa war on drugs.

Mariin namang itinatanggi ito ng Philippine National Police at iginigiit na anim na libo lamang ang nasawi sa mga lehitimong operasyon.

Umaasa si Wasan na makapagbalangkas ang gobyerno ng wastong mga programa para sa pamilyang naulila sa giyera kontra droga at mabigyan ng tunay na katarungan ang bawat biktima.

“Hindi pa namin nakikita kung ano ang mga programa para sa pamilya ng mga namatay kaya mag hintay tayo gusto ko makita bago ko sabihin na ang gobyernong ito ay may malasakit sa mahihirap,” giit ni Wasan.

Ika – 10 ng Disyembre ng magtipon ang mga grupong nagsusulong at nagtataguyod sa karapatang pantao upang gunitain ang mga biktima ng iba’t ibang uri ng human rights abuses kasabay ng pagdiriwang sa ika – 71 anibersaryo ng International Human Rights Day.

Umaasa ang mga lingkod ng simbahan na magkaisa ang mamamayan tungo sa pagkamit ng mapayapang lipunan na may pagkilala sa pantay na karapatan ng bawat indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 109,795 total views

 109,795 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 234,206 total views

 234,206 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 274,344 total views

 274,344 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 348,220 total views

 348,220 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top