Pag-alis ng Martial law sa Mindanao, kinatigan ng Mindanao Bishop

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Kinatigan ng Arsobispo ng Ozamiz ang desisyon ng pamahalaan na alisin na ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Martin Jumoad, tiwala ito sa pagsusuri na ginawa ng mga tagapagpatupad ng batas hinggil sa sitwasyon ng peace and order sa Mindanao.

“Okay lang sakin, kung sa evaluation nila okay na then I have to bow the evaluation of the military,” pahayag ni Archbishop Jumoad.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na mahalaga ang pag-iral ng demokrasya sa pamayanan kung saan may paggalang ang mamamayan sa karapatan ng bawat isa.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na palalawigin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa rehiyon makaraang isumite ng Department of National Defense ang pinagsamang assessment sa kasalukuyang kalagayan sa Mindanao.

Tiwala ang punong ehekutibo sa kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pamahalaan ang mga lugar sa Mindanao at mangingibabaw ang rule of law maging ang kapayapaan sa buong lipunan.

Ayon pa kay Archbishop Jumoad, maaring ikonsidera ng pamahalaan ang batas militar sa mga piling lugar tulad ng Basilan, Jolo at Maguindanao batay na rin sa sitwasyon sa mga nasabing lugar kung saan may personal na karanasan ang arsobispo makaraang pamunuan nito ang Prelatura ng Isabela de Basilan sa loob ng mahabang panahon.

“Pero sana yung mga lugar na marami talagang rebelyon ang Jolo, Basilan pati na yung Maguindanao, sana they have to reconsider kasi mahirap din talaga kung wala yung peace of the law kasi alam natin dun na walang sinasanto na mga batas,” ani ni Archbishop Jumoad.

Mensahe ng arsobispo sa pamahalaan at tagapagpatupad ng batas na paigtingin ang pagpatupad ng mga batas sa bawat lugar partikular sa Muslim region na maraming grupo ang nanamantala tulad ng mga grupong may kaugnayan sa teroristang ISIS.

Panawagan din nito sa mamamayan na makiisa sa mga programang tumatalakay sa usaping kapayapaan at magdudulot ng pagkakabuklod buklod ng buong pamayanan.

“Bigyang diin natin na we have to live in peace and this can be achieve if we really observe the rule of law; sana po tayo ay mag-observe ng rule of law upang makamtan natin ang kapayapaan,” dagdag ng arsobispo.

Mayo 2017 nang ipatupad ang martial law sa Mindanao makaraang lusubin ng teroristang Maute ang Marawi City dahilan sa limang buwang digmaan na ikinasawi ng higit isanlibong indibidwal.

Sa orihinal na 60 araw, pinalawig ito ng pamahalaan sa buong 2018 at 2019 at pormal na wawakasan sa ika – 31 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,534 total reads

 119,534 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,029 total reads

 257,029 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,805 total reads

 372,805 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,482 total reads

 488,482 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top