Gobyerno, hinamong tulungan ang mga pamilyang naulila sa giyera kontra droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Hindi kumbinsido ang pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na mabawasan ang pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dr. Marita Wasan, walang malinaw na indikasyong matigil na ang mga pagpaslang dahil hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng Pangulong Duterte.

“Hindi kami naniniwala hanggat hindi namin [layko] nakikita ang katotohanan na pagbibigay hustisya sa bawat pamilya ng bawat taong pinatay dahil sa droga,” pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Pinuna ni Wasan at ibang human rights group ang patuloy na karahasan sa giyera kontra droga na pawang mga mahihirap ang napapaslang habang ang mayayamang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ay nakalalaya.

Ikinalungkot din ng opisyal ang pag-iral ng kultura ng kawalang pakialam ng ibang mamamayan sa tunay na sitwasyon ng bansa.

Batay sa tala ng iba’t-ibang human rights group, mahigit na sa 20-libong indibidwal ang nasawi dahil sa panlalaban sa war on drugs.

Mariin namang itinatanggi ito ng Philippine National Police at iginigiit na anim na libo lamang ang nasawi sa mga lehitimong operasyon.

Umaasa si Wasan na makapagbalangkas ang gobyerno ng wastong mga programa para sa pamilyang naulila sa giyera kontra droga at mabigyan ng tunay na katarungan ang bawat biktima.

“Hindi pa namin nakikita kung ano ang mga programa para sa pamilya ng mga namatay kaya mag hintay tayo gusto ko makita bago ko sabihin na ang gobyernong ito ay may malasakit sa mahihirap,” giit ni Wasan.

Ika – 10 ng Disyembre ng magtipon ang mga grupong nagsusulong at nagtataguyod sa karapatang pantao upang gunitain ang mga biktima ng iba’t ibang uri ng human rights abuses kasabay ng pagdiriwang sa ika – 71 anibersaryo ng International Human Rights Day.

Umaasa ang mga lingkod ng simbahan na magkaisa ang mamamayan tungo sa pagkamit ng mapayapang lipunan na may pagkilala sa pantay na karapatan ng bawat indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,621 total reads

 21,621 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,366 total reads

 58,366 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,636 total reads

 284,636 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,103 total reads

 178,103 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,971 total reads

 270,971 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top