Pag-ibig, ipadama ng buong katapatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total reads

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan ng pagiging matapat at totoo.

Sa pagninilay ng obispo sa nalalapit na Araw ng mga Puso sa ika -14 ng Pebrero, pinaalalahanan nito ang bawat isa na mas mahalagang ipakita at ipadama ang pagmamahal sa kaysa sasabihin lamang ito sa taong iniibig.

“The sincerity of our love is made visible by our faithfulness; to show one’s love is to provide what is best, beneficial for beloved,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Paliwanag ng obispo ang pagsabi ng ‘I love you’ ay nangangahulugang pananatili lalu’t higit sa taong minamahal na nakahandang dumamay sa bawat pagsubok at hamong kinakaharap ng bawat isa.

Ayon pa kay Bishop Santos ang pagmamahal din ay mahalagang sangkap sa pagsasama ng mga mag-asawa na dapat pag-alabin.

“We love. We are loved. How do show our love? It is to protect whom we love, not to hurt; not to betray and nor abandon,” saad ng obispo.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang pagdiriwang ng Valentines Day noong taong 496 sa isang kaugalian ng Roma na kilalang Lupercalia tuwing kalagitnaan ng Pebrero o pagsisimula ng springtime.

Nais ng simbahan noon na gawin itong bahagi ng pagdiriwang ng mga Kristiyano sa paggunita kay St. Valentine, ang patron ng pag-ibig at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Sa dokumento ng Kanyang Kabanalan Francisco na The Joy of Love (Amoris Laetitia) kinilala nito si St. Valentine bilang pagkakataon na pagyabungin ang relihiyosong tradisyon tuwing Valentines Day kung saan hinimok nito ang mag-asawa na lumago sa pag-ibig at hubugin ang mga anak tungo sa mas maayos na pag-aasawa sa mga susunod na panahon.

Umaasa si Bishop Santos na ang bawat isa ay lumago sa pag-ibig at maging mabunga sa kanilang pasasama.

“Yes, speak always your love. But much more show your love with our efforts to their lives safe and successful; their future at peace and fruitful,” giit pa ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,316 total reads

 34,316 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,588 total reads

 65,588 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,370 total reads

 143,370 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,598 total reads

 237,598 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,797 total reads

 296,797 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top