Pagkakaisa at kapayapaan sa mga tribu sa Kalinga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 749 total views

Ito ang hangarin ni Apostolic Vicariate of Tabuk Bishop Prudencio Andaya Jr. – dating Chairman of CBCP Episcopal Commission on Indigenous People ang isa sa prayoridad at tinututukan ng Simbahang Katolika sa lalawigan.

Ito ay kaugnay na rin sa ipinagdiriwang ng simbahan ng Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.

Ayon sa Obispo, dahil sa hindi pagkakasundo ng iba’t ibang tribu ay marami sa mamamayan ang dumaranas ng kahirapan na kabilang sa tinutugunan ng Simbahan katulad ng mga hakbang upang maisulong ang peace movements.

“Mula nung naging Obispo ako sa Kalinga ang parang priority namin ay yung peace movements, yung unity ng mga tao, pagkakaisa ng mga tribu pagkatapos yung ang palagi naming ginagawa doon, tinututulungan namin sila dahil nang mga naghihirap dahil sa mga away-away ng mga tribu kaya doon kami tumutulong sa kanila,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Andaya sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipagdiriwang naman sa ika-12 hanggang ika-14 ng Pebrero ang pagdiriwang ng Silver Jubilee ng Kalinga bilang isang lalawigan.

Ayon kay Bishop Andaya, tema ng pagdiriwang ang “The Call of a Thousand Gongs, The Dance of a Thousand Pots” kung saan inaasahan ang pagtitipon-tipon ng mga tribu sa lalawigan upang ipamalas ang kanilang tradisyunal na sayaw at paraan ng pagdiriwang.

Tampok sa pagdiriwang ayon sa obispo ang bahaging ginagampanan ng Kalinga women bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatatag ng cultural identity na sinisimbolo ng Palayok na ginagamit ng mga kababaihang katutubo sa pang-araw-araw na pangangalaga sa kanilang mga pamilya.

Nauna ng inihayag ni Bishop Andaya na 90-porsyento sa kabuuang populasyon ng Apostolic Vicariate of Tabuk ay binubuo ng mga katutubo mula sa iba’t ibang tribu sa Kalinga at Apayao.

Taong 1920’s ng nagsimula ang ebanghelisasyon sa lugar kung saan isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagbabahagi ng mabuting balita upang mapalalim ang pananampalataya ng mga katutubo at kanilang matagpuan ang Panginoon ng pag-ibig habang patuloy na ipinapamalas ang kanilang cultural practices at Indigenous belief.

Sa kasalukuyang mahigit sa 17 taon ng nagsisilbing Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk si Bishop Andaya mula ng maitalaga taong 2003.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,488 total views

 52,488 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,357 total views

 48,357 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,559 total views

 84,559 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,122 total views

 93,122 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,025 total views

 118,025 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top