Pag-ibig, ipadama ng buong katapatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 595 total reads

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan ng pagiging matapat at totoo.

Sa pagninilay ng obispo sa nalalapit na Araw ng mga Puso sa ika -14 ng Pebrero, pinaalalahanan nito ang bawat isa na mas mahalagang ipakita at ipadama ang pagmamahal sa kaysa sasabihin lamang ito sa taong iniibig.

“The sincerity of our love is made visible by our faithfulness; to show one’s love is to provide what is best, beneficial for beloved,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Paliwanag ng obispo ang pagsabi ng ‘I love you’ ay nangangahulugang pananatili lalu’t higit sa taong minamahal na nakahandang dumamay sa bawat pagsubok at hamong kinakaharap ng bawat isa.

Ayon pa kay Bishop Santos ang pagmamahal din ay mahalagang sangkap sa pagsasama ng mga mag-asawa na dapat pag-alabin.

“We love. We are loved. How do show our love? It is to protect whom we love, not to hurt; not to betray and nor abandon,” saad ng obispo.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang pagdiriwang ng Valentines Day noong taong 496 sa isang kaugalian ng Roma na kilalang Lupercalia tuwing kalagitnaan ng Pebrero o pagsisimula ng springtime.

Nais ng simbahan noon na gawin itong bahagi ng pagdiriwang ng mga Kristiyano sa paggunita kay St. Valentine, ang patron ng pag-ibig at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Sa dokumento ng Kanyang Kabanalan Francisco na The Joy of Love (Amoris Laetitia) kinilala nito si St. Valentine bilang pagkakataon na pagyabungin ang relihiyosong tradisyon tuwing Valentines Day kung saan hinimok nito ang mag-asawa na lumago sa pag-ibig at hubugin ang mga anak tungo sa mas maayos na pag-aasawa sa mga susunod na panahon.

Umaasa si Bishop Santos na ang bawat isa ay lumago sa pag-ibig at maging mabunga sa kanilang pasasama.

“Yes, speak always your love. But much more show your love with our efforts to their lives safe and successful; their future at peace and fruitful,” giit pa ni Bishop Santos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 37,576 total reads

 37,576 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 142,590 total reads

 142,590 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 227,959 total reads

 227,959 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 274,696 total reads

 274,696 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 322,568 total reads

 322,568 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 419,362 total reads

 419,362 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top