Ika-34 na Charity store ng Caritas Manila, nagbukas na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Caritas Manila ang pagpapalawak sa mga programa ng social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila upang higit matulungan ang mga dukha sa lipunan.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas- pagtutuunan ng pansin ng institusyon ang mga programang makatulong mabawasan ang karukhaan sa bansa.

Ang pahayag ng pari ay kasabay ng pagbubukas sa ika-34 na sangay ng Segunda Mana Charity outlet sa Marikina City nitong ika-11 ng Pebrero.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na mahalagang matugunan ang sektor ng edukasyon sa bansa sapagkat ito ang mabisang pamaraan upang matugunan ang kahirapan.

“Ang edukasyon talaga ang bibigyan natin ng pansin kasi ito ang susi na mabawasan ang mga mahihirap na Filipino,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Nasa limang libong kabataan ang tinutulungan ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP sa buong bansa na pangunahing tinutustusan ng Segunda Mana-ang donation in kind program ng Caritas Manila.

Mabibili sa mga charity outlet ang mga kagamitang tulad ng damit, bag, sapatos, mga gamit na pambahay sa abot kayang halaga na karamihan ay mga pull out items mula sa kilalang mga establisimiyento sa Kalakhang Maynila kaya’t hinimok ni Fr. Pascual ang mamamayan na bisitahin ang mga outlets ng Segunda Mana.

“Inaanyayahan ko ang mga Kapanalig na tangkilikin ninyo ang Segunda Mana dahil bukod sa nakabili ka na ng mga dekalidad na produkto, nakatulong pa sa mga scholars ng YSLEP,” dagdag pa ng pari.

Ayon naman kay Barry Camique, program director ng Segunda Mana, umabot sa 70.3 milyong piso ang kinita ng Segunda Mana noong 2019 habang sisikaping maabot ang 100-milyong pisong target ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,123 total reads

 26,123 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,526 total reads

 62,526 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,796 total reads

 288,796 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,263 total reads

 182,263 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,914 total reads

 274,914 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top