Walang nadamay na Filipino sa kaguluhan sa France at Turkey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Walang Filipinong nadamay sa magkasunod na kaguluhan sa France at Turkey.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman at assistant secretary Charles Jose, ligtas ang mga Filipino sa Nice France na sinalakay ng isang terorista nang imaneho ang truck nito sa mga taong nanunood ng fireworks display sa Bay of Angles habang balik na sa normal ang sitwasyon sa Turkey matapos matigil ang tangkang kudeta.

“Ligtas naman ang ating mga kababayan sa Nice France… sa kudeta sa Turkey, sa kabutihang palad wala ding Filipino casualty sa coup, na-regain na ang control ni President Erdogan at marami naaresto ayon sa ulat kaugnay ng bigong kudeta,” pahayag ni Jose sa panayam ng Radyo Veritas.

Kinumpirma rin ng DFA spokesman na noong kasagsagan ng kaguluhan, kaagad nagpalabas ng advisory sa mga Filipino ang embahada ng Pilipinas sa dalawang bansa na huwag munang lumabas ng kanilang mga bahay at huwag makisalamuha sa mga protesta para sa kanilang kaligtasan.

“Nagpalabas ng advisory pero ngayong tapos na yan, di naman pwedeng manatili sa bahay ang mga Filipino, gaya sa Ankara, pero ngayong tapos na ang insidente, pwede na sila lumabas,” ayon pa kay Jose.

Tinatayang nasa 13-15 milyon ang mga Filipino sa ibat-ibang mga bansa, 8,500 nasa Turkey.

Sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas, aabot sa $26 billion ang magiging personal remittances ngayong taon ng mga OFW na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang personal remittances ay money transfers na hindi dumaan sa mga formal channels tulad ng bangko.

Mariing kinokondena ng Kanyang Kabanalan Francisco ang terorismo dahil sa sinisira nito ang lipunan, ang ekonomiya, dignidad ng tao at pumapatay ng mga inosenteng sibilyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,127 total reads

 45,127 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,492 total reads

 130,492 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,228 total reads

 177,228 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,100 total reads

 225,100 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,968 total reads

 326,968 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,209 total reads

 313,209 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,307 total reads

 419,307 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top