Libreng kasal, isasagawa ng Colegio de San Juan de Letran.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 834 total reads

Pinalalawak ng Colegio de San Juan de Letran ang paglilingkod sa mamamayan hindi lamang sa pang edukasyong paghuhubog kundi maging sa pagpapatibay ng pamilyang Filipino.

Ayon kay Assistant Professor Jenny Villar, Co-Chairperson ng Quadricentennial Celebration ng institusyon, ihahandog ng Colegio de San Juan de Letran ang libreng kasalang bayan bilang pakikiisa sa adbokasiya ng Simbahang Katolika na nagpapahalaga sa pamilya.

“Part of our Quadricentennial Celebration ito’ng kasalang bayan, to give assistance, part po ng pastoral ministry natin especially those couples who are already living together na hindi blessed sa simbahang katolika,” pahayag ni Villar sa Radio Veritas.

Sinabi ni Villar na simula 2015 may mga programang inilatag ang Letran bilang paghahanda sa ikaapat na sentenaryo ng pagkakatatag ng institusyon kung saan ngayong Nobyembre inaasahang magtatapos ang buong pagdiriwang.

Isinusulong ng institusyon ang kasalang bayan bilang bahagi ng pastoral ministry upang abutin ang mga mag-asawang hindi pa nakatanggap ng sakramento ng kasal dulot na rin sa kahirapan.

“Proper to give this [kasal] for free para mabigyan ng libreng serbisyo patungkol po sa spiritual ang ating mga constituents,” saad ni Villar.

Gaganapin ang mass wedding sa ika – 2 ng Mayo 2020 sa Colegio Chape sa Intramuros Manila ganap na alas kuwatro ng hapon.

Bagamat bukas ito sa publiko, pangunahing hinimok ng pamunuan na makinabang sa libreng kasalang bayan ang mga manggagawa sa nasabing paaralan at ang mga partner communities kung saan maglalaan ng 40 mag-asawa bilang benepisyaryo.

Sa mga nais maging bahagi sa programa ay ihanda na ang ilang dokumento tulad ng: PSA copy of the birth certificate – Photocopy of the baptismal certificate (Binyag) – Photocopy of the confirmation certificate (Kumpil) – CENOMAR (Certificate of no marriage) – 2×2 picture each – At least 18 years old o makipag-uganayan sa (02) 8525-0398 o magpadala ng email sa [email protected].

“Inaanyayahan po namin ang mga couples na nagsasama na wala pang basbas ng simbahan na mag-participate po sa aming kasalang bayan,” ayon kay Villar.

Bukod sa kasalang bayan, isasagawa rin ang libreng binyag at kumpil ng Colegio de San Juan de Letran sa ika – 24 ng Hunyo kasabay ng kapistahan ni San Juan Bautista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,102 total reads

 33,102 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,374 total reads

 64,374 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,205 total reads

 142,205 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 236,434 total reads

 236,434 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 295,712 total reads

 295,712 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top