Kwaresma: Pagkakataon sa pagkakawanggawa-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Inanyayahan ni Manila Apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga mananamapalataya na tumugon sa panawagan ng pagkakawanggawa ngayong panahon ng Kwaresma.

Ito ang mensahe ni Bishop Pabillo na siya ring chairman, CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa paggunita ng Kwaresma at sa programang Hapag-Asa Feeding Program ng Assisi Foundation.

Ayon sa Obispo, kasabay ng pag-aayuno ay maaring ibahagi o ilaan ang maiipong halaga para makatulong sa mga nangangailangan tulad na lamang ng pagbibigay sa Hapag-Asa Feeding Program na naglalayong sugpuin ng problema ng malnutrisyon sa bansa.

“Sana mas maging matulungin din tayo sa pagtugon sa malnourishment, yan yung Fast to Feed na anong masi-save natin sa ating Fasting ibigay natin sa Hapag-Asa upang mapakain yung mga malnourished as we enter the Holy Season of Lent sana yung paghikayat natin na maging generous tayo upang makatulong sa mga taong napipilitang hindi makakain kasi walang makakain,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.

Ang Hapag-Asa Feeding Program ay kabilang sa pangunahing programa ng Pondo ng Pinoy na itinatag ni Manila Archbishop-emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 na nangangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan at hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para sa pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan.

Sa tala ng ‘The State of the World’s Children: Children, Food and Nutrition’ noong 2019, isa sa bawat tatlong batang edad limang taong gulang ang maliit para sa kanilang edad habang 7-porsyento naman ng mga kabataan ang magaan para sa kanilang dapat na timbang.

Taong 2015 naman nang inilunsad ang pagpapaigting sa mga programa ng Simbahan bilang tugon sa Zero Extreme Poverty Philippines 2030 na naglalayong matulungan ang may 1-milyong pinakamahihirap na pamilya o 5 milyong katao mula sa 350 mga piling munisipalidad sa bansa hanggang sa taong 2030. (Reynalynn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,870 total reads

 36,870 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,095 total reads

 117,095 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,543 total reads

 150,543 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,842 total reads

 185,842 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,992 total reads

 410,992 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,279 total reads

 15,279 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top