Maghatid ng mabuting balita sa gitna ng COVID-19 threat, panawagan ng Simbahan sa media.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total views

March 10, 2020, 1:10PM

Tiwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging daan ang media sa paghahatid ng mga gawaing makatutulong sa paglago ng espiritwal na buhay ng tao.

Umaasa si Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs na magamit ang makabagong teknolohiya sa paghahatid ng mabuting Balita ng Panginoon sa sambayanan lalo na ngayong kuwaresma at paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

“Hari nawa ang media, ang makabagong komunikasyon, iba pang paraan ng komunikasyon ay maging Daan upang mailapit sa Diyos ang bawat isa,” pahayag ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay kasabay ng pagkansela ng ilang Simbahan partikukar sa ibang mga bansa sa mga gawain ngayong Mahal na Araw bunsod ng banta ng Corona Virus Disease 2019 o COVID 19.

Kaugnay dito, pinalalawak ng Kapanalig na himpilan Veritas 846 ang paghahatid ng mga gawaing pansimbahan ngayong mga Mahal na Araw kung saan bukod sa radyo ay mapapanuod din sa iba’t-ibang social media platform ng himpilan.

Ilan sa mapakikinggan at mapapanuod sa Veritas 846.ph Facebook page ng himpilan ang Chrism Mass at renewal of vows ng mga Pari sa Huwebes Santo gayundin ang Misa sa Huling Hapunan ang tanda ng pagsisimula sa Paschal Triduum; Visita Iglesia online kung saan bibisitahin ang pitong Simbahan sa Metro Manila at karatig lalawigan, sa Biyernes Santo naman ang Pitong Huling Wika ni Hesus at paggunita sa Pagpapakasakit ng Panginoon ganap na alas tres ng hapon.

Habang sa Sabado de Gloria ng Gabi naman ang Bihilya ng Muling Pagkabuhay kung saan napagtagumpayan ni Hesus ang dilim ng kamatayan sa Kanyang Muling Pagkabuhay.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Evangelista ang mananampalataya na nangangamba sa kaligtasan ng kanilang kalusugan sa mga malaking pagtitipon na makiisa sa mga pagdiriwang sa kani-kanilang tahanan lalo na ang mga Overseas Filipino Worker.

“Inaanyayahan ko kayo mga minamahal na mga kapatid lalo na kayo ng nagtatrabaho o o may panga ba sa banta ng COVID 19, pwede kayo makasubaybay sa telebisyon o sa Radyo Veritas ng mga gawain ng Simbahan Lalo ngayong Kuwaresma at Mahal na Araw,” Saad ng obispo.

Batay sa tala ng Department Of Health, 24 na ang nagpositibo sa Pilipinas na karamihan ay sa Metro Manila habang inoobserbahan ang daan-daang Filipino na nakitaan ng sintomas ng COVID 19 kabilang na ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 23,320 total views

 23,320 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 65,212 total views

 65,212 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 119,255 total views

 119,255 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 146,624 total views

 146,624 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 162,897 total views

 162,897 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top