pastoral instruction

Pastoral Instruction on Online Holy Mass.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 653 total reads

Naglabas ng Pastoral Instruction si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa pagsasagawa ng Online Holy Mass habang kasalukuyang suspendido ang mga pampublikong misa sa mga Simbahan dahil sa COVID-19 outbreak.

Nakapaloob sa Pastoral Instruction ang naaangkop na paghahanda ng bawat mananamapalataya sa pakikibahagi sa online Holy Mass tulad na lamang ng maagang pagbabasa ng mass readings sa pamamagitan ng iba’t ibang Catholic Bible Reading Guides.

Ayon kay Bishop Pabillo bagamat maaring nasa iba’t ibang lugar o maging sa sariling mga tahanan ay mahalaga pa ring ihanda ang sarili sa buong pusong pakikibahagi sa Banal na Misa.

Paliwanag ng Obispo, bilang paggalang sa banal na misa ay hindi rin naangkop ang pagkakaroon ng pagkain o anumang inumin tulad ng kape sa pagkikibahagi sa Online Holy Mass.

“Since you know the time of the Mass, prepare yourselves well for it. Do not watch it with a cup of coffee in hand. Before the Mass read the Mass readings to prepare yourselves to hear them better once they are proclaimed in the Eucharist.” bahagi ng Pastoral Instruction ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin din ni Bishop Pabillo na dapat na buong puso at diwa na ilagay ang sarili sa presensya ng Panginoon sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin kasabay ng iba pang mananampalataya sa iba’t ibang lugar.

Giit ng Obispo, hindi lamang dapat na basta panuorin ang banal na misa sa halip ay ganap na makibahagi sa eukaristiya sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga awitin, pagtugon sa mga panalangin, pagtanggap ng komunyong pang-espiritwal at paglalaan ng ilang saglit na katahimikan upang makapagnilay sa pagtatapos ng banal na misa.

“Stay in a reverent gesture throught the Mass, standing or sitting up properly. It would be good if the whole family in the house joins together in the Mass. Do not just watch the Mass. Join in it with your prayers, responses and singing. At the time of communion, make the spiritual communion.” Dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na isa rin itong magandang pagkakataon upang makibahagi sa banal na misa ang buong pamilya.

Sa huli umaasa si Bishop Pabillo na sa pansamantalang suspensyon ng mga pampublikong misa sa mga Simbahan ay mas makita rin ng mga mananamapalataya ang kahalagahan ng personal na pakikibahagi sa Eukaristiya.

Attached is the Pastoral Instruction on Online Holy Mass:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,008 total reads

 12,008 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,297 total reads

 49,297 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,567 total reads

 275,567 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,034 total reads

 169,034 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,469 total reads

 262,469 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top