Simbahan, mananatiling bukas sa mga mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

March 16, 2020, 11:10AM

Nilinaw ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi isinara sa publiko ang mga simbahan sa bansa partikular sa National Capital Region.

Tiniyak ni Bishop Pabillo na maaring magtungo sa mga simbahan ang mga Filipino upang makapagdasal at makapagnilay ngunit mahigpit na ibinilin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols mula sa Department of Health.

“Hindi naman natin sinasara ang mga Simbahan; bukas ang simbhana pwede silang makadalaw basta keep ang social distance,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo pansamantalang kinansela ng mga simbahan ang mga Banal na Misa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon na posibleng isa sa mga dahilan ng pagkalat ng corona virus disease 2019.

Hamon ng mga pastol ng simbahan ang palakasin ang pakikipag-ugnayan sa publiko gamit ang modernong teknolohiya at gamitin ito upang maihatid sa publiko ang Banal na Eukaristiya habang hinimok ang mamamayan na tanggapin ang komunyong espiritwal.

“Palakasin ng simbahan ang presensya sa social media at maging available tayo sa mga nangangailangan,” saad ni Bishop Pabillo.

Ang tugon ng Obispo ay makaraang ipinag-utos ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga pari sa Roma na buksan ang simbahan sa kabila ng ipinatupad na lockdown ng Italya dulot ng COVID 19.

Nangangamba ang Santo Papa na abandunahin ng mananampalataya ang simbahang Katoliko sa tila pagtalikod nito sa gitna ng krisis sa pamayanan.

Dahil dito hinimok ni Bishop Pabillo ang mga parokya na kalingain ang sinumang lalapit upang humingi ng tulong espiritwal at ipakita ang pagiging maaruga ng Inang Simbahan sa mga anak na humihiling ng paglingap at pagsunod sa misyon ni Kristo.

“Dapat ang mga prokya ay manatiling bukas sa mga taong gustong papasok, at ang ating kaparian ay nanatiling open sa mga taong gustong lumapit, makipag-usap at mangumpisal,” saad ni Bishop Pabillo.

Batay sa pastoral statement na inilabas ng Arkidiyosesis ng Maynila, kanselado na ang mga pagtitipon ng simbahan maging ang mga gawain sa Semana Santa alinsunod sa napagkasunduan ng mga obispo sa National Capital Region kung saan nagmula ang karamihan sa higit isandaang positibong kaso ng COVID 19.

Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-statement-of-the-bishops-of-metro-manila/

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,761 total reads

 3,761 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,806 total reads

 10,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,184 total reads

 48,184 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,454 total reads

 274,454 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,921 total reads

 167,921 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,423 total reads

 261,423 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top