Ligtas COVID kit, ipapamahagi ng Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

.

Tiniyak ng Caritas Manila na hindi pinababayaan ng Simbahang Katolika ang sektor ng mga mahihirap sa banta ng corona virus disease 2019 (COVID 19).

Ayon kay Reverend Father Anton CT Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, mamahagi ito ng mga gamit na makatutulong sa mga mahihirap na pamilya na maproteksyunan laban sa kumakalat na virus.

“Gumawa tayo (Caritas Manila) ng kaunting programa, yung isa Ligtas COVID kit at magbibigay din tayo ng mga pagkain o manna bag,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng pangulo ng Radio Veritas na mahalagang kalingain ng simbahan ang mga mahihinang sektor ng lipunan na walang kakayahang makabili ng mga pangkaraniwang proteksyon laban sa COVID 19.

Nilalaman ng Ligtas COVID Kit ang 70% solution alcohol, mga maliit na bote na pagsasalinan ng alcohol para maaring dalhin ng bawat kasapi ng pamilya partikular ang mga nagtatrabaho, washable facemask, isang litro na anti bacterial liquid soap, reusable gloves, cleaning cloth at isang box ng vitamin C.

Bukod dito, mamahagi rin ang Caritas Manila ng limang kilong bigas, mga delatang pagkain, noddles, mongo at asukal na karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Filipino.

Pinaalalahanan ni Fr. Pascual ang mamamayan na huwag mag-panic sa kabila ng mabilis na pagkalat ng virus sa bansa na batay sa huling tala ng Department of Health ay umabot na sa halos 150 ang nagpositibo habang nasa halos isanlibo naman ang people under investigation.

Pinayuhan ng Pari ang mamamayan na panatilihing malinis at malusog ang pangangatawan na mahalagang panlaban sa anumang uri ng virus na nagdudulot ng sakit sa tao.

“Huwag tayong mag-panic harapin natin na maging responsable at itong virus na ito ay lilipas; pero importanteng manatili tayong malusog, at palaging maghuhugas ng kamay,” paalala ni Fr. Pascual.

Hinangaan din ng pari ang malakas na pananampalataya ng mga mahihirap sapagkat nanatili itong kumakapit sa Panginoon na mapuksa ang nakamamatay na COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,078 total reads

 12,078 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,365 total reads

 49,365 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,635 total reads

 275,635 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,102 total reads

 169,102 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,534 total reads

 262,534 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top