Simbahan, mananatiling bukas sa mga mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

March 16, 2020, 11:10AM

Nilinaw ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi isinara sa publiko ang mga simbahan sa bansa partikular sa National Capital Region.

Tiniyak ni Bishop Pabillo na maaring magtungo sa mga simbahan ang mga Filipino upang makapagdasal at makapagnilay ngunit mahigpit na ibinilin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols mula sa Department of Health.

“Hindi naman natin sinasara ang mga Simbahan; bukas ang simbhana pwede silang makadalaw basta keep ang social distance,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo pansamantalang kinansela ng mga simbahan ang mga Banal na Misa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon na posibleng isa sa mga dahilan ng pagkalat ng corona virus disease 2019.

Hamon ng mga pastol ng simbahan ang palakasin ang pakikipag-ugnayan sa publiko gamit ang modernong teknolohiya at gamitin ito upang maihatid sa publiko ang Banal na Eukaristiya habang hinimok ang mamamayan na tanggapin ang komunyong espiritwal.

“Palakasin ng simbahan ang presensya sa social media at maging available tayo sa mga nangangailangan,” saad ni Bishop Pabillo.

Ang tugon ng Obispo ay makaraang ipinag-utos ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga pari sa Roma na buksan ang simbahan sa kabila ng ipinatupad na lockdown ng Italya dulot ng COVID 19.

Nangangamba ang Santo Papa na abandunahin ng mananampalataya ang simbahang Katoliko sa tila pagtalikod nito sa gitna ng krisis sa pamayanan.

Dahil dito hinimok ni Bishop Pabillo ang mga parokya na kalingain ang sinumang lalapit upang humingi ng tulong espiritwal at ipakita ang pagiging maaruga ng Inang Simbahan sa mga anak na humihiling ng paglingap at pagsunod sa misyon ni Kristo.

“Dapat ang mga prokya ay manatiling bukas sa mga taong gustong papasok, at ang ating kaparian ay nanatiling open sa mga taong gustong lumapit, makipag-usap at mangumpisal,” saad ni Bishop Pabillo.

Batay sa pastoral statement na inilabas ng Arkidiyosesis ng Maynila, kanselado na ang mga pagtitipon ng simbahan maging ang mga gawain sa Semana Santa alinsunod sa napagkasunduan ng mga obispo sa National Capital Region kung saan nagmula ang karamihan sa higit isandaang positibong kaso ng COVID 19.

Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-statement-of-the-bishops-of-metro-manila/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 117,237 total reads

 117,237 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,838 total reads

 254,838 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 370,614 total reads

 370,614 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 486,359 total reads

 486,359 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top