Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hoarding at pagbibenta ng mahal, immoral.

SHARE THE TRUTH

 296 total views

March 16, 2020, 2:37AM

Hindi katanggap-tanggap at maituturing na immoral ang mga mapagsamantalang indibidwal na ginagamit ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak para sa pansariling kapakanan.

Ito ang reaksyon ni CBCP — Episcopal Commission on Health Care (ECHC) Vice Chairman Bishop Oscar Florencio sa ginagawang hoarding ng mga produkto tulad ng alcohol, face mask at gamot na maituturing na pangunahing proteksyon laban sa nasabing sakit.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap na gamitin ng mga negosyante o sinuman ang COVID-19 outbreak upang manamantala at kumita sa halip ay dapat na mas umiral ang pagkakawang gawa sa kapwa.

“Ang panawagan ko dito na kung ano ang makakabuti sa tao on calamities, mga sakit na ito, sakuna na ito, huwag naman to take advantage, they will be hoarding and then ibibenta ng malaking presyo and so forth and so on because that to me that is immoral…”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin ang Obispo na doble ang kaparusahan sa mga gahaman at mapang-abusong indibidwal na tanging sariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Bishop Florencio na mahalagang mangibabaw ang pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa.

“I would like to believe that yung parusa diyan is I don’t know if I could be correct, ang parusa diyan ay doble, doble because what, ito na yung nasalanta na tayo and then here you are greedy and then you are taking only of your own good, of yung kapakanan mo, yung negosyo mo at sa lahat ng ito it has again to boil down into our concern, our concern and love for other people…”dagdag ni Bishop Florencio.

Ang buong Metro Manila sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng 30-araw na COVID-19 community quarantine.

Ayon sa Social Catholic teaching, pabor ang Simbahan na kumita ang mga mamumuhunan, gayunman, mahalagang matiyak na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan o kapahamakan sa kalusugan at buhay ng tao.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,388 total views

 64,388 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,163 total views

 72,163 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,343 total views

 80,343 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,073 total views

 96,073 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,016 total views

 100,016 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,402 total views

 22,402 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,070 total views

 23,070 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top