194 total views
March 17, 2020 – 11:59am
Inihayag ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Borongan na patuloy ang pamamayagpag ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas partikular sa Eastern Samar sa kabila ng iba’t- ibang hamon.
Ayon kay Bishop Crispin Varquez, nanatiling mabunga ang biyaya ng pananampalataya sa buhay ng mga taga Eastern Samar at maging ng mga Filipino sapagkat nagsisilbi itong kalakasan ng bawat isa.
“Being Christians is not only an accessory to life but an identity; It is a source of our strength, and is giving us hope and endurance e in times of crisis,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.
Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paghahanda sa paggunita ng ikalimandaang taon mula nang dumating ang unang misyonero sa isla ng Homonhon noong 1521, ang pagdating din ng kristiyanismo sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Bishop Varquez na sa kabila ng panibagong krisis na kinakaharap ng mga Filipino bunsod ng Corona Virus Disease 2019 na nakakaapekto sa buhay ng mga tao at sa ekonomiya ng bansa.
“There is nothing in our Christian Faith that is not, in a way, an answer to our problems, that frees us from the clutches of evil circumstances. Our faith is the key that opens us to hope, to lighten up our anxieties and fears,” saad ng obispo.
Bukod dito, tiniyak din ni Bishop Varquez ang gabay ng Diyos na magliligtas sa sangkatauhan kaya’t hindi dapat nangangamba ang tao sa maaring dulot ng krisis.
Aniya, ang mga ninuno ang patunay na mas higit na makapangyarihan ang Diyso sa kaysa sa anumang suliranin at hamong kakaharapin ng tao sapagkat nalalagpasan ito sa tulong ng pananampalataya at pananalig sa Panginoon.
“If this faith is what we truly need in this time of pandemic, we must share this to others, teach this to others, and preach it to everyone especially to people living in fear and are losing hope,” saad ni Bishop Varquez.
Samantala, hinikayat ng obispo ang mga Filipino na ipagbunyi at ipagpasalamat ang biyaya ng pananampalataya na tinatamasa ng bawat isa gayong naghahanda ang Pilipinas sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo na ipagdiriwang sa 2021 kung saan ngayong taon ay nakatuon ang paksa sa Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People bilang pakikipag-ugnayan sa mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, tradisyon at paniniwalang kinagisnan.
“Sa ating pagbubukas ng mga gawain sa paghahanda upang ipagdiwang ang 500 years of Christianity sa ating bansa. Magdiwang tayo at magpasalamat. Magbunyi tayo na puno ng Pananampalataya, Pag-asa, at Pagmamahal. Ipagpatuloy natin ang pagtuturo ng tamang Pananampalataya. We continue, with passion, enthusiasm and courage in proclaiming our Catholic Faith.