Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Enhanced community quarantine, magandang pagkakataon upang makapagnilay.

SHARE THE TRUTH

 284 total views

March 17, 2020, 2:52PM

Binigyang diin ni healing priest Reverend Father Joey Faller na isang magandang pagkakataon para magnilay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon partikular sa National Capital Region.

Ayon kay Fr. Faller ng Kamay ni Hesus Healing Church, marahil ito ay paanyaya ng Panginoon sa bawat isa upang higit na maglaan ng oras sa pakikipag-usap sa Diyos.

“Sometimes you need to put a stop on your usual schedule, so that you can rest, pray and be with your God,” pahayag ni Fr. Faller.

Sinabi ng Pari na minsan ipinararanas ng Diyos sa tao ang mga pagsubok upang maihanda at mapatatag ang sarili tungo sa mas maayos na buhay.

Ika – 16 ng Marso nang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahigpit na community quarantine bilang hakbang na mapigilan ang pagkalat pa ng virus sa buong bansa na sa kasalukuyan ay nasa 142 na ang nagpositibo habang 12 naman ang nasawi.

Ayon kay Fr. Faller, ito rin ay panawagan sa bawat mananampalataya na magpanibagong buhay at paalala na mas higit na makapangyarihan ang Diyos kaninuman.

“It is a reminder that Our God is bigger than all our problems, stronger than any Virus in the world and Our God has a beautiful plan for all of us.” dagdag ng healing priest.

Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-statement-of-the-bishops-of-metro-manila/

Sa huli tiniyak ni Fr. Faller sa mananampalataya na may magandang plano ang Diyos sa likod ng krisis na nararanasan lalo’t nalalapit na ang muling pagkabuhay ni Hesus na tanda ng katubusan ng sanlibutan mula sa kadiliman ng kasalanan.

“He can transform our grief into joy, tragedy into blessing, good friday into Easter Sunday. Be Patient and Be still that i am you God!” ayon pa ni Fr. Faller.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,694 total views

 44,694 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,175 total views

 82,175 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,170 total views

 114,170 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,897 total views

 158,897 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,843 total views

 181,843 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,938 total views

 8,938 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,438 total views

 19,438 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 6,467 total views

 6,467 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 21,492 total views

 21,492 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 24,190 total views

 24,190 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top