Nagmisa ako sa Birthday ni Colangco-Msgr. Olaguer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 343 total views

Hindi na dapat pagtakhan kung makukuhanan ng mga larawan o video ang mga taong-Simbahan na kasama ang mga bilanggo, mga VIP man o ordinaryo. Ayon kay Msgr. Roberto ‘Bobby’ Olaguer, chaplain at tagapagsalita ng New Bilibid Prison, nakasama niya sa isang larawan ang bank robber at drug lord convict na si Herbert Colangco dahil nagmisa siya sa kaarawan nito noong 2013.

Sinabi ni Msgr. Olaguer na bilang pari lalo na ng NBP, lahat ng paanyaya para mag-Misa ay kanyang tinatanggap lalo na kung ito ay natapat na hindi siya abala.

Una nang lumabas ang larawan sa mga balita na kasama ang pari at ilang opisyal ng Philippine National Police at Local Government Units (NGOs) na tila ipinalabas ng may malisya.

“Yung picture na yan 2013 pa, bago pa lang si Colangco dun at nag-birthday siya, magpapakain siya ng 500 bilanggo na walang dalaw, may mga sakit at nag-request siya ng Misa so nag Misa ako doon, dalawa kaming nagMisa, isang Salesian priest na bumibisita talaga sa mga jail, at 2 silang nag-birthday, nagkataon na dun siya nabisita kaya 2 kaming nag Misa sa covered court lahat itong pinakain… Nag-Misa na lang ako dun, may mga pagkakataong kasama namin ang mga nakabilanggo, kahit sino na nag-request ng Misa papaunlakan ko sila kahit bilanggo pa sila, bilang pari ng mga bilanggo,” pahayag ni Msgr. Olaguer sa programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Msgr. Olaguer na may nangyaring ‘photo ops’ dahil sa uso na rin noon ang mga CCTV kaya’t pinapayagan na rin ang mga camera noon.

“May photo ops, that time meron kaming CCTV, sa mga brigada may malalaking TV kasi ang nanonood mga 100—tao, kaya allowed yung ganung camera kaya ayun nakunan kami ng pictures,” dagdag pa ni Msgr. Olaguer.

Sa record ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology, hanggang noong Setyembre ng 2015, nasa 94,320 ang nakakulong kung saan 46, 276 dito ay may kinalaman sa iligal na droga.

Hinihimok ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na ihatid sa lahat lalo na sa mga makasalanan na ang awa ng Diyos ay para sa lahat at kinakailangan bilang taga-Simbahan at taga-sunod ni Kristo hindi dapat namimili ng mga taong sasamahan at makakasalamuha lalo na at si Kristo ay nakikain pa sa mga bilanggo, mahihirap, may nakakahawang sakit at sa mga makasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 11,214 total views

 11,214 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 185,148 total views

 185,148 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 162,781 total views

 162,781 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 226,548 total views

 226,548 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 245,528 total views

 245,528 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,525 total views

 60,525 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,172 total views

 260,172 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top