192 total views
Ikinabahala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrants and Itinerant People ang datos ng Philippine National Police o PNP na labing isang drug suspect ang napapatay kada araw sa buong bansa.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kailangang kilalanin ng pamahalaan higit sa numero ng mga napapaslang na mga drug users and pushers ay mga taong nais na makapagbagong buhay at iba naman ay mga inosente.
Nanawagan rin si Bishop Santos sa pamahalaan na ponduhan ang pagpapagawa ng mga rehabilitation centers para sa 103 libong mga nagsisukong lulong sa iligal na droga.
Ito’y matapos namang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking problema kung saan kukunin ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug addicts sa buong bansa.
“It’s not simple to just deal with numbers when human beings are concerned. We have to look at the people behind the numbers. Will there be justice for those who were killed? Human treatment for those who surrendered? Rehabilitation for those who seek a second chance? We must remember always that every human life counts. Every human being is a child of God. In fighting crime and in maintaining peace and order we must not forget respect for life,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay naman sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinatayang nasa 3 milyon ang mga drug addicts sa bansa. Nauna na ring nangako ang Simbahang Katolika sa bansa na magiging aktibo sa pagbibigay ng formation at counseling sakaling magiging sapat na ang pasilidad na gagamitin para sa mga sumukong drug users and pushers.