MSHD ng Diocese of Antipolo, ipinag-utos sa mga Pari na tulungan ang mga nangangailangan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

March 19, 2020, 10:22AM

Hinimok ng Ministry on Social and Human Development ng Diyosesis ng Antipolo ang mga parokya na lingapin ang mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng krisis na idinudulot ng corona virus disease 2019.

Ayon kay Reverend Father Bienvenido Miguel, Jr. ang Director ng ministry, ito ang pagkakataong higit ipadama ang tunay na simbahan ni Kristong kumakalinga partikular sa mga dukha sa lipunan.

“Covid 19 is a test of who we are as a Church and as a society; We have poor neighbors who now face roadblocks that prevent them to meet their basic needs and they have taken food off the tables of the poor thus putting them at risk of malnutrition, which can compromise their body’s abilities to fight off the disease,” pahayag ni Fr. Miguel.

Mungkahi ng pari na gamitin ang pondong nakolekta para sa Alay Kapwa, magsagawa ng soup kitchen katuwang ang mga volunteers ng bawat barangay upang mabigyan ng pagkain ang mga pamilyang walang sapat na mapagkunan.

Panawagan ng pari sa mga mayayamang parokya na tulungan ang mahihirap na komunidad.

“Parishes that are well off may tap their social or emergency fund. Rich parishes may extend pastoral charity towards the poor parishes by assisting their social services,” dagdag ng pari.

Sa mga mahirap na parokya, tutulungan ito ng diyosesis sa pamamagitan ng pondo sa Alay Kapwa.

Iginiit ng pari na dapat magtulungan ang bawat sektor ng lipunan sa pag-agapay sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine ngunit dapat ding mahigpit na ipatupad ang safety protocol batay sa abiso ng Department of Health.

“We must work together with the LGUs, In this trying times our poor look up to us for hope and answer,” saad ng pari. Binigyang diin ni Fr. Miguel na sa tulong ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria malalampasan ng mundo ang krisis na dulot ng COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,509 total reads

 7,509 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,381 total reads

 94,381 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,754 total reads

 131,754 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 163,015 total reads

 163,015 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,462 total reads

 235,462 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top