Funeral mass, hindi maaring ipagpaliban.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 785 total reads

Mahigpit na ipinatutupad ng Diyosesis ng Marinduque ang mga safety protocols na inilabas ng Department of Health upang mapanatili ang kalusugan ng mamamayan.

Kaugnay dito tiniyak ni Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. na patuloy ang simbahan sa pagbibigay ng mga sakramento at iba pang gawaing espiritwal sa mananampalataya sa kabila ng banta ng corona virus disease pandemic.

Partikular na nilinaw ng obispo na patuloy pa rin ang pagmimisa sa mga yumao ngunit nililimitahan ang mga dadalo kung saan kung maari ay bukod tanging pamilya lamang upang maipatupad ang social distancing bilang pag-iingat.

“Kami po ay may funeral masses, required lang na family lang ang present sa misa kung sa bahay or chapel gagawin,” mensahe ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ito ay paglilinaw bilang nagpatupad ang simbahan ng Pilipinas ng pansamantalang pagkansela sa mga gawaing simbahan upang maiwasan ang malaking pagtitipon ayon na rin sa abiso ng pamahalaan.

Sa mga gawaing simbahan, ang pagmimisa sa mga yumao ang hindi maaring ipagpaliban kaya’t patuloy ang pagtanggap ng mga simbahan ng funeral masses kaakibat sa wastong pagsunod ng mga alituntuning pangkalusugan.

Ayon kay Bishop Maralit mahigpit na ipinatutupad sa diyosesis ang social distancing upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa at mapigilan ang paglaganap ng virus na sa kasalukuyang tala ay mahigit sa 500 ang nagtataglay sa Pilipinas habang 20 naman dito ang gumaling na mula sa karamdaman.

Dagdag pa ng obispo maaring sa parokya isasagawa ang pagmimisa sa mga yumao bago ihatid sa huling hantungan ngunit nakadepende ito sa pamilya kung makakukuha ng kaukulang permiso na makapagbiyahe sapagkat mahigpit din ang pagsunod sa enhanced community quarantine. Dahil dito pinaalalahanan ni Bishop Maralit ang mga pari na sundin ang wastong pangangalaga ng katawan bilang pagprotekta sa bawat sarili.

“Priests must strictly follow all protocols for self-sanitation and hygiene,” saad ni Bishop Maralit.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,600 total reads

 3,600 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,561 total reads

 10,561 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,952 total reads

 47,952 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,222 total reads

 274,222 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,689 total reads

 167,689 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,199 total reads

 261,198 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top