Mananampalataya, pinayuhan ng Simbahan na kanselahin muna ang pagpapakasal at binyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Hinikayat ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mananampalataya na ikonsiderang ipagpaliban ang mga kasal at binyag bunsod na rin ng banta ng corona virus disease.

Ayon sa Obispo sa kabila ng pagkansela ng mga banal na misa, magpapatuloy naman ang mga gawaing pansimbahan lalo ngayong Semana Santa sa pamamagitan ng internet.

“We are having our live streaming and we encourage people to postpone weddings and baptisms,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Mallari na ito ay hakbang upang maiwasan na magtipon-tipon ang maraming tao alinsunod sa panuntuning inilabas ng gobyerno partikular ng Department of Health.

Magugunitang agad na ipinag-utos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkansela ng mga pagtitipon sa simbahan para maiwasan ang labis na pagkalat ng virus na naipapasa sa pamamagitan ng talsik ng laway mula sa taong nagtataglay ng COVID 19.

Bukod dito hinimok din ni Bishop Mallari ang mananampalataya na gawin na lamang sa mga bahay ang pagbabasbas sa mga yumaong mahal sa buhay upang bukod tanging pamilya lamang ang dadalo at madaling ipatupad ang physical distancing.

“We encourage blessing of the dead in houses instead of doing it in churches,” saad pa ng obispo.

Dahil sa kanseladong mga misa at iba pang gawaing simbahan lalo ngayong nalalapit na ang mga Mahal na Araw, pinaiigting ng Radyo Veritas 846 ang on air at online masses tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali at alas sais ng gabi habang naghahanda na rin sa pagpapaabot sa mga mananampalataya ng mga gawain sa Mahal na Araw mula sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila tulad ng online visita iglesia, pitong huling wika, misa ng krisma, at ang mga gawain sa Paschal triduum.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,613 total reads

 2,613 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,644 total reads

 8,644 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,312 total reads

 46,312 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,582 total reads

 272,582 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,048 total reads

 166,048 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,650 total reads

 259,650 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top