CBCP, tiwalang magiging tulay ang kabataan sa pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

April 2, 2020-9:47am

Malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa pagpapalalim ng pananampalataya kahit sa simpleng pamamaraan sa kabila ng mga limitasyong dulot ng umiiral na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Cunegundo Garganta sa maaring maiambag ng mga kabataan ngayong panahon ng Kwaresma bilang paghahanda sa Mahal na Araw.

Paliwanag ng Pari sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin, pakikinig sa mga payo at paalala ng mga nakatatanda at paggawa ng kabutihan ay malaki na ang mababahagi ng mga kabataan sa makabuluhang paghahanda para sa Mahal na Araw.

“Malaki na ang maiaambag ng mga kabataan panalangin, pakikinig sa mga nakatatanda sa mga paalaala at pagpapayo, pangatlo paggawa ng kabutihan sa pamamagitan din ng pagtatama para sa kapwa kabataan kung para sa mabuti huwag silang mangilag o huwag silang mag-alinlangan na maging bahagi ng pagbabago ng kapwa kabataan,” pahayag ni  Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng inihayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon na nawa ay maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.

Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin kasabay ng implementasyon ng Luzon Wide Enhanced Community Quarantine ngayong panahon ng Kwaresma na maituturing din na sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.

Nagsimula ang implementasyon ng isang buwang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Marso at inaasahasang magtatapos sa ika-14 ng Abril.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 23,232 total reads

 23,232 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 50,266 total reads

 50,266 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 120,613 total reads

 120,613 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 207,129 total reads

 207,129 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 250,151 total reads

 250,151 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 297,937 total reads

 297,937 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 23,234 total reads

 23,234 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top