Prayer Motorcades kontra COVID-19, isinagawa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Nagsagawa ang Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia sa Naga City ng Prayer Motorcades bilang tugon sa mga panawagan at apela ng mga mananamapalataya sa lalawigan para matigil na COVID 19 pandemic.

Ayon kay Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio – Vice Rector ng dambana, ipinag-utos ng Rector na si Rev. Msgr. Rodel M. Cajot ang pagprosesyon ng imahen ng Mahal na Ina ng Peñafrancia kasama ang Divino Rostro upang patuloy na maibahagi ang ebanghelisasyon sa kabila ng pansamantalang suspensyon sa pagsasagawa ng pampublikong Banal na Misa.

Paliwanag ng Pari, ang pagsasagawa ng Prayer Motorcades sa lalawigan ng Naga ay naglalayong maipadama sa bawat mananampalataya na hindi kailanman aabandunahin ng Mahal na Ina ang kanyang mga anak sa kabila ng anumang sitwasyon sa lipunan. “Naga City, being a Pilgrim City dedicated to Our Lady of Peñafrancia, has been calling out that, in this difficult times because of Covid-19 that has caused the suspension of Masses and prohibited the touching and kissing of Sacred Images, Inâ be brought to them. The Basilica in response, has started the Prayer Motorcades around the streets of Naga City to let the people feel that She has never abandoned us, in fact, is closer to us more than ever in this trying times.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ng Pari, isa rin itong paraan ng Simbahan upang maipaalala sa bawat mananampalataya ang kahalagahan ng pananatili sa tahanan upang matiyak ang kaligtasan mula sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.

Bukod sa imahen ng Nuestra Señora de Peñafrancia ay ipinoprosisyon rin sa isinasagawang Prayer Motorcade ang imahen ng Divino Rostro o ang Holy Face of Jesus na iprinosisyon rin sa Bicol noong 1885 upang maipag-adya ang rehiyon sa pagkalat ng Cholera Morbo.

“We just have to remind the people that “staying at home” is still the principle thus they need not go out of their residences to avoid crowding. Together with Inâ, Divino Rostro is also brought around that like in 1885 Bicol was spared from Cholera Morbo, this time, we petition Jesus to deliver us all from Covid-19.” Dagdag pa ni Rev. Fr. Juan Pablo Z. Carpio.

Nagsimula ang araw-araw na pagsasagawa ng Prayer Motorcades tuwing ganap na alas-singko y medya ng hapon noong Linggo kasabay ng ika-limang linggo sa panahon ng Kwaresma na naglalayong mas mapaigting pa upang maiprosisyon maging sa maliliit na lansangan sa lalawigan at inaasahang magtatagal hanggang sa tuluyan ng matapos ang implementasyon ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine.

Nagsimula ang implementasyon ng isang buwang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Marso at inaasahasang magtatapos sa ika-14 ng Abril

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 23,273 total reads

 23,273 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 50,379 total reads

 50,379 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 120,723 total reads

 120,723 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 207,239 total reads

 207,239 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 250,261 total reads

 250,261 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 298,046 total reads

 298,046 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 23,274 total reads

 23,274 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top