Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, tiwalang magiging tulay ang kabataan sa pagbabago

SHARE THE TRUTH

 342 total views

April 2, 2020-9:47am

Malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa pagpapalalim ng pananampalataya kahit sa simpleng pamamaraan sa kabila ng mga limitasyong dulot ng umiiral na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Cunegundo Garganta sa maaring maiambag ng mga kabataan ngayong panahon ng Kwaresma bilang paghahanda sa Mahal na Araw.

Paliwanag ng Pari sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin, pakikinig sa mga payo at paalala ng mga nakatatanda at paggawa ng kabutihan ay malaki na ang mababahagi ng mga kabataan sa makabuluhang paghahanda para sa Mahal na Araw.

“Malaki na ang maiaambag ng mga kabataan panalangin, pakikinig sa mga nakatatanda sa mga paalaala at pagpapayo, pangatlo paggawa ng kabutihan sa pamamagitan din ng pagtatama para sa kapwa kabataan kung para sa mabuti huwag silang mangilag o huwag silang mag-alinlangan na maging bahagi ng pagbabago ng kapwa kabataan,” pahayag ni  Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng inihayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon na nawa ay maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.

Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin kasabay ng implementasyon ng Luzon Wide Enhanced Community Quarantine ngayong panahon ng Kwaresma na maituturing din na sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.

Nagsimula ang implementasyon ng isang buwang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Marso at inaasahasang magtatapos sa ika-14 ng Abril.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,696 total views

 39,696 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,784 total views

 55,784 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,272 total views

 93,272 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,223 total views

 104,223 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 17,686 total views

 17,686 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top