Panuntunan sa liturhiya sa mga banal na araw at Easter Triduum, nasa pagpapasya ng bawat Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total reads

April 2, 2020-1:12pm

Inihayag ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Liturgy na maaring gawing batayan ang mga panuntunan ng CBCP at Vatican hinggil sa mga liturhiya ngayong Semana Santa at Easter triduum sa bawat tahanan.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, may karapatan ang bawat obispo ng mga diysosesis na magbigay ng panuntunan hinggil sa mga gawain ngayong semana santa batay sa sitwasyon ng kanilang lugar.

“Every diocese has its own unique situation so individual bishops for sure have their own instructions depends on their situations; pero mayroong general guidelines coming from the CBCP and Vatican,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Paglilinaw ng obispo hindi siya maaring magbigay ng pangkalahatang pahayag na maaring sundin sa buong Pilipinas sapagkat magkakaiba ang mga alituntuning ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na panuntunan ng CBCP hinimok nito ang mananampalataya na umantabay sa radyo, telebisyon at sa mga social media platforms habang sumasabay sa mga pagdiriwang lalo na sa paschal triduum.

Sa Linggo ng Palaspas, hinikayat ang mananamapalataya na hawakan ang kanilang mga palaspas o anumang dahon na sumasagisag dito habang binabasa ang mga panalangin ng pagbabasbas at ang pagbasa ng Banal na Kasulatan.

Nagpalabas na rin ang Archdiocesan Liturgical Commission ng Arkidiyosesis ng Maynila ng mga panuntunan at mga dasal na maaring gamitin ng mga pamilya sa pagsunod sa mga banal na pagdiriwang tulad ng Linggo ng Palaspas, Misa sa Huling Hapunan, Ang Pasyon ng Panginoong Hesus at maging sa bihilya ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Layon nitong mabigyan ng gabay ang bawat pamilya habang nakikinig o nanunuod gamit ang iba’t ibang uri ng media.

Sinabi ni Bishop Bendico na mahalagang paigtingin ng mamamayan ang pananalangin ang pinakadiwa ng mga pagdiriwang at pagpapaigting sa ugnayan ng tao sa Diyos.

“We continue our prayers, ang importante dito sa mga celebrations na ito,” ayon kay Bishop Bendico.

Nagpalabas na rin ang Congregation for Divine Worship and the Dicipline of the Sacraments ng Vatican sa pamumuno ni Prefect Cardinal Robert Sarah ng Mass in Time of Pandemic kung saan ilang dasal sa mga misa tulad ng pambungad na panalangin, panalangin sa mga alay at panalangin pagkatapos ng komunyon ay nakatuon sa pandemyang dulot ng COVID 19 maliban na lamang sa mga kapisatahan, araw ng Linggo batay pa rin sa sinasaad ng General Instruction of the Roman Missal (GIRMS).

Bukod dito, tiniyak din ni Bishop Bendico na sumusunod ang simbahang katolika sa mga panuntunang ipinatupad ng pamahalaan bilang hakbang ng pag-iingat laban sa corona virus disease.

“We continue following the instructions and protocol coming from the government especially from the Department of Health,” saad ni Bishop Bendico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,060 total reads

 119,060 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,576 total reads

 256,576 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,352 total reads

 372,352 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,042 total reads

 488,042 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top