Pairalin ang pagtutulungan, sa panahon ng krisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

April 2, 2020-4:34pm

Inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) Caritas Philippines sa mananampalataya na isapuso at isaisip ang Panginoon sa gitna ng mga hamong kinakaharap.

Ayon sa obispo ito ang pinakamabisang gawin upang malampasan ng tao ang bawat pagsubok sa tulong ng Diyos at sa kabutihan ng kapwa na ibinabahagi ng iba.

“Think God, goodness and kindness will flow,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Nanawagan din ang obispo sa mamamayan na igalang ang bawat batas na umiiral sa lipunan para sa kaayusan at kabutihang panlahat.

Paalala pa ni Bishop Bagaforo na iwasan ang paggawa ng masama na nakalalabag sa batas ng Diyos at sa bansa sa halip pairalin ang pakikipagkapwa tao at pagtutulungan sa pamayanan.

“Kasalanan ang magnakaw; Alay Kapwa ang maghari sa lahat,” saad pa ng obispo.

Binigyang pansin din ni Bishop Bagaforo na iwasan ang karahasan sapagkat wala itong magandang maidudulot sa lipunan kundi pagkakawatak-watak at pagkasira ng ugnayan ng bawat tao.

Aniya, ang pag-utos na manakit ng kapwa ay hindi makatarungan at mag uugat lamang ito ng karahasan.

“Kasalanan ang pumatay! An order to harm or kill the people is an illegal and immoral order. It cannot be obeyed,” giit ni Bishop Bagaforo.

Sa isang talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong ipababaril sa pulis at military ang sinumang lalabag sa batas lalu na sa mga hindi sumusunod sa panuntunan sa pag – iral ng enhanced community quarantine.

Ang babala ng punong ehekutibo ay kasunod ng pag-aaklas ng ilang residente ng Quezon City dahil sa walang natatanggap na relief goods mula nang magpatupad ng quarantine sa Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 8,150 total reads

 8,150 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,971 total reads

 94,971 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 132,344 total reads

 132,344 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 163,605 total reads

 163,605 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 236,019 total reads

 236,019 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top