Pairalin ang pagtutulungan, sa panahon ng krisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total reads

April 2, 2020-4:34pm

Inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) Caritas Philippines sa mananampalataya na isapuso at isaisip ang Panginoon sa gitna ng mga hamong kinakaharap.

Ayon sa obispo ito ang pinakamabisang gawin upang malampasan ng tao ang bawat pagsubok sa tulong ng Diyos at sa kabutihan ng kapwa na ibinabahagi ng iba.

“Think God, goodness and kindness will flow,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Nanawagan din ang obispo sa mamamayan na igalang ang bawat batas na umiiral sa lipunan para sa kaayusan at kabutihang panlahat.

Paalala pa ni Bishop Bagaforo na iwasan ang paggawa ng masama na nakalalabag sa batas ng Diyos at sa bansa sa halip pairalin ang pakikipagkapwa tao at pagtutulungan sa pamayanan.

“Kasalanan ang magnakaw; Alay Kapwa ang maghari sa lahat,” saad pa ng obispo.

Binigyang pansin din ni Bishop Bagaforo na iwasan ang karahasan sapagkat wala itong magandang maidudulot sa lipunan kundi pagkakawatak-watak at pagkasira ng ugnayan ng bawat tao.

Aniya, ang pag-utos na manakit ng kapwa ay hindi makatarungan at mag uugat lamang ito ng karahasan.

“Kasalanan ang pumatay! An order to harm or kill the people is an illegal and immoral order. It cannot be obeyed,” giit ni Bishop Bagaforo.

Sa isang talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong ipababaril sa pulis at military ang sinumang lalabag sa batas lalu na sa mga hindi sumusunod sa panuntunan sa pag – iral ng enhanced community quarantine.

Ang babala ng punong ehekutibo ay kasunod ng pag-aaklas ng ilang residente ng Quezon City dahil sa walang natatanggap na relief goods mula nang magpatupad ng quarantine sa Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,507 total reads

 17,507 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,535 total reads

 54,535 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,805 total reads

 280,805 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,272 total reads

 174,272 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,369 total reads

 267,369 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top