COVID-19 pandemic, hamon sa mamamayan sa paggunita ng Palm Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

April 4, 2020, 2:53PM

Ipinaliwanag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na ang Linggo ng Palaspas ay pagkakataong pagnilayan ang mga halimbawa ni Hesus na tumugon sa kalooban ng Diyos Ama.

Ayon sa arsobispo, isang malaking hamon at magandang pagkakataon para pagnilayan ang kasalukuyang sitwasyon sa mundo na humaharap sa matinding pagsubok dulot ng corona virus disease habang nalalapit ang Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Sinabi ni Archbishop Jumoad na ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem ay pagpapakita ng pagiging masunurin sa Ama kaya’t dapat ding isabuhay ito ng mamamayan sa gitna ng krisis na kinakaharap.

“Ang Palm Sunday ay isa ring occasion in the time of Jesus who went to Jerusalem, He obediently accepts the will of the Father; sana po bigyan din natin ng obedience ang hiling ng gobyerno sa gitna ng pandemic na ito,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang pagdiriwang na ito ay hudyat ng pag-alay ng buhay ni Hesus alang-alang sa katubusan ng sanlibutan mula sa kasalanan.

Hinikayat ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na sundin ang mga alituntuning ipinatupad ng pamahalaan lalo na ng mga eksperto sapagkat ito ay para sa kabutihan ng bawat isa na maligtas mula sa nakahahawang COVID 19.

Ayon kay Archbishop Jumoad, mahalaga sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas ay suriin ang bawat sarili kung tayo ay nakasusunod sa kalooban ng Panginoon tulad ng ginawa ni Hesus sapagkat ito ang mabisang paraan upang magkamit ng katubusan.

“If we are obedient to the will of the Father, we can say ‘Lord, I am now joining you in order that I will be able to experience salvation,” dagdag ng arsobispo.

Ipagdiriwang ng Archdiocese of Ozamiz ang mga banal na gawain ngayong Semana Santa gamit ang social media dahil na rin sa nagpapatuloy na community quarantine upang labanan ang paglaganap ng virus sa pamamagitan ng pag-iwas sa malakihang pagtitipon.

Hamon ng arsobispo sa mananampalataya na gumawa ng paraan upang makamtan ang tunay na kaligtasan na minimithi ng bawat isa.

“Sana po lahat ay makinig sa konsiyensya, sana po tayo ay makinig, tayo ay binigyan ng panahon para makamit natin ang ating salvation,” giit ng arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 116,510 total reads

 116,510 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,155 total reads

 254,155 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,931 total reads

 369,931 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,706 total reads

 485,706 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top