Pagbubuklod ng pamilya, biyaya ng COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total reads

April 7, 2020, 11:27AM

Pinaalalahanan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na nananatiling konektado ang tao sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap at pagiging makasalanan.

Sa pagninilay ng obispo sa pagpasok ng mga Mahal na Araw, nilinaw nitong hindi nahihiwalay ang tao sa bahay dalanginan ng Panginoon sa kabila ng pagkansela sa mga malalaking pagtitipon tulad ng pagdiriwang ng mga Banal na Misa kundi mas pinag-uugnay nito ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbubuklod ng bawat pamilya.

“Wala man tayo sa ating mga malalaking simbahan ngunit tayo ay pinagkaisa ng Diyos sa munting pamayanan o simbahan ang ating mga pamilya,” pagninilay ni Bishop Uy.

Iginiit ng obispo na bagamat sa online lamang nakibahagi ang mananampalataya sa mga banal na pagdiriwang ng simbahan lalo ngayong Mahal na Araw, nanatiling konektado ang relasyon ng Diyos sa tao, hindi lamang online kundi ‘Spiritual Line’ o sa espiritwal na aspeto ng tao.

Matatandaang agad na ipinag-utos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkansela ng mga misa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon alinsunod sa kautusan ng pamahalaan partikular ang pagpapatupad ng physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.

“Walang kahit sino, o kahit na ano gaya ng virus (COVID 19) na makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Dahil dito hinimok ni Bishop Uy ang mamamayan na hindi dapat malungkot sa kabila ng pagdiriwang ng mga Banal na Araw sa tahanan sapagkat makatatanggap pa rin ito ng biyaya ng pag-ibig ng Panginoon.

Paalala ni Bishop Uy na ang Simbahan ang sakramento ng dakilang pag-ibig ng Diyos kaya’t dapat ipadama sa kapwa ang pag-ibig sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa gitna ng krisis na dulot ng COVID 19.

“Huwag nating kalimutan na tayong mga tao ang simbahan kaya’t pagsumikapan nating ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa gitna ng pagsubok na pinagdadaanan,” giit ni Bishop Uy.

Aktibo rin si Bishop Uy at ang lahat ng mga pari sa Bohol sa pagsasagawa ng mga online masses, healing rosary at maging mga novena prayers para masugpo na ang pagkalat pa ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,199 total reads

 35,199 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,704 total reads

 71,704 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,915 total reads

 89,915 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,243 total reads

 174,243 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,019 total reads

 210,019 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,680 total reads

 4,680 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top