Frontliners sa COVID-19 pandemic, mga buhay na bayani ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 906 total reads

April 9, 2020, 4:27PM

Ang mga frontliner na matapang na humaharap sa banta ng Coronavirus Disease 2019 ay maituturing na mga buhay na bayani ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino Chairman Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos kaugnay sa ika-78 na taong paggunita sa Araw ng Kagitingan.

Sinabi ng Obispo na ang mga healthcare worker at iba pang humaharap sa banta ng COVID-19 ay dapat na pasalamatan at pahalagahan sa kanilang kagitingan na patuloy na maglingkod sa kabila ng banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

“nakikita natin dito na kung saan meron tayong mga living hero, na kung saan meron tayong mga buhay na bayani at itong mga buhay na bayani ay dapat nating pahalagahan at pasalamatan at ang mga buhay na bayaning ito ngayon ay ating nakikita at nararanasan at nahahawakan at naririnig sa katauhan ng mga health care workers at sinabi natin na sila ang ating frontliners at yung mga dito nakikita naka-man sa checkpoint yung mga pulis natin, yung mga marshals, barangay tanod ito naman ang kanilang kumbaga first line of defense natin na hindi na kumalat ang COVID…”pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo, ang kabayanihan ng mga frontliners ng bansa mula sa COVID-19 ang patunay na hindi kinakailangan ng digmaan upang maging bayani ng bayan sapagkat ang bawat isa ay maaring maging bayani sa araw-araw.

Itinuring din ni Bishop Santos na kabayanihan ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad kasabay ng pag-aalay ng panalangin hindi lamang para sa kapakanan ng bansa kundi maging ng buong daigdig mula sa COVID-19.

“Ngayon ay makikita natin na kung saan hindi na tayo dapat maghintay pa na kung saan ay mayroong digmaan upang maging bayani, sa ating pang-araw-araw na gawain magiging bayani tayo katulad ng ginagawa ng mga health workers giving their time, giving their self and their services, ngayon naman tayo na nasa bahay, manatili sa bahay, magdasal at huwag na tayong gumawa ng pagkakataon na tayo pa ang magiging daan ng suliranin so we have to cooperate, we have to collaborate…” dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang nagpahayag ng pagkilala at pasasalamat si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines– Episcopal Commission on Youth sa lahat ng mga frontliners na matapang na hinaharap ang banta ng kapahamakan mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Read:
https://www.veritas846.ph/frontliners-sa-laban-kontra-covid-19-kinilala-ng-simbahan-na-bagong-bayani/

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 21,761 total reads

 21,761 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 168,957 total reads

 168,957 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 203,633 total reads

 203,633 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 220,054 total reads

 220,054 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 256,541 total reads

 256,541 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 265,015 total reads

 265,015 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 21,762 total reads

 21,762 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top