Street dwellers sa Cebu, binigyan ng matutuluyan ng Basilica Minore del Santo Santo Niño

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

April 21, 2020, 12:45PM

Pinaigting ng Basilica Minore Del Santo Niño De Cebu ang pagtulong sa mamamayan ng lalawigan na apektado ng community quarantine.

Ayon kay Fr. Aladdin Luzon, OSA, ang Director ng Santo Nino de Cebu Augustinian Social Development Foundation, Inc, nakipagtulungan ang mga Agustinong pari sa mga institusyon upang mabigyang kalinga ang mga walang tahanan bilang tugon sa panawagang stay at home policy.

“To all those have reach out to us as partners and donors thank you for giving us this opportunity as a channel or a hub for solidarity,” pahayag ni Fr. Luzon sa Radio Veritas.

Sa pangunguna ng Agustinian Relief Services, tinulungan nito ang mga street dwellers na walang masilungan partikular sa mga barangay na nasa paligid ng basilica.

Mahigit sa isandaan ang bilang ng mga walang tahanan ang kinalinga sa San Roque gymnasium kung saan ang Basilica ang nangangasiwa sa pagpapakain, at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan habang nakataas pa ang enhanced community quarantine (ECQ).

Magugunitang halos 200 kaso ng covid 19 sa central visayas, 179 dito ay mula sa lalawigan partikular sa independent city of Cebu.

Labis ang pasasalamat ng mga pari sa mga grupo at institusyon na tumugon sa pangangailangan ng kapwa tulad ng Ramon Aboitiz Foundation, Inc (RAFI) na nagbibigay ng pagkain sa mga kinakalingang indibidwal.

Tiniyak ni Fr. Luzon ang patuloy na suporta sa mga kinanlong na mga residente at maging sa iba pang mamamayan ng lalawigan na apektado ng krisis.

Ayon sa pari na hindi maisasakatuparan ang paglingap sa mga nangangailangan kung hindi nakiisa mga grupo na katuwang ng simbahang katolika.

“Our relief operations will never be possible without your assistance, we would like to tell you that through this, the Church is journeying the people of God especially those who are suffering because of this pandemic,” giit ni Fr. Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 3,202 total reads

 3,202 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 90,395 total reads

 90,395 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 127,768 total reads

 127,768 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,029 total reads

 159,029 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 231,684 total reads

 231,684 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top