Pagkakaisa sa pananalangin para mahinto ang Covid-19 pandemic, dasal ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

April 26, 2020-11:25am

Umaasa ang arsobispo ng Cagayan De Oro na magkaisa ang mamamayan sa pananalangin sa Diyos para sa kaayusan ng daigdig sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon, paniniwala at pananaw sa buhay.

Sa video message ni Archbishop Antonio Ledesma, SJ, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Mutual Relations sa pagdiriwang ng Ramadan ng mga Muslim, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbubuklod ng bawat isa tungo sa Panginoon.

“Busa mga igsuon hinaot unta nga kining panahon sa Ramadan mahimong balaang panahon alang kanatong tanan sa pagtinabangay ug sa pag-ampo sa usa ka Diyos alang sa atong kaayohan [Sana mga kapatid itong panahon ng Ramadan ay magiging banal para sa ating lahat; sa pagtutulungan at pagdarasal sa iisang Diyos para sa ating kapakinabangan],” bahagi ng mensahe ni Archbishop Ledesma.

Nagpaabot ng pagbati ang arsobispo sa pagsimula ng Ramadan, ang panahon ng pag-aayuno, panalangin at pagninilay ng mga Muslim na magtatapos sa ika – 23 ng Mayo.

Ipinaliwanag ni Archbishop Ledesma na tulad ng mga kristiyano sa panahon ng kuwaresma ito ang pagkakataong paigtingin ng bawat isa ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon upang hingin ang Kanyang gabay sa bawat pagsubok at krisis na kinakaharap ng sangkatauhan.

Binigyang diin ng arsobispo na nagkakaisa ang mga Kristiyano at Muslim sa pagsasagawa ng mga inter faith forum for peace, harmony and solidarity bilang hakbang sa pagtatamo ng kaayusan ng komunidad.

“Kita man magpakita ug paghiusa sa mga Muslim ug Kristiyano labi ang kalinaw dinhi sa Mindanao [Tayo ay nakikiisa sa mga Muslim at Kristiyano lalo na sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao],” dagdag ng arsobispo.

Ngayong taon paksa ng simbahan sa paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo ang ‘Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People’ bilang pagkilala sa bawat isa na magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya.

Samantala, tiniyak naman ng Imam Council of the Philippines na tatalima pa rin ang mga Muslim sa ipinatupad na enhanced community quarantine kung saan nanatiling sarado ang mga mosque sa bansa sa halip ay hinimok ang mga kasapi na isagawa ang mga panalangin sa bawat tahanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 14,075 total reads

 14,075 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 34,676 total reads

 34,676 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 102,805 total reads

 102,805 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 188,173 total reads

 188,173 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 234,908 total reads

 234,908 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 282,781 total reads

 282,781 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 381,548 total reads

 381,548 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top