Healing priest, nagbabala sa kumakalat na text scam sa pangangalap ng donasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 831 total reads

April 27, 2020, 1:28PM

Nagbabala si Healing Priest Reverend Father Joey Faller ng Kamay ni Hesus sa Quezon province kaugnay sa isang text message na kumakalat na ginagamit ang kanyang pangalan sa pangangalap ng donasyon.

Ayon sa pari, ito ay malinaw na panloloko sa kapwa kaya’t mahigpit itong nagbabala sa mamamayan na huwag basta maniwala sa mga mensaheng natatanggap na walang beripikasyon mula sa taong sangkot dito.

“Nais ko lang pong ipaalam sa inyong lahat na may gumagamit po sa pangalan ng inyong lingkod Fr. Joseph ‘Joey’ Faller para po mag-solicit ng pera, fundraising daw po sa umano’y maysakit na tinutulungan ko; ito po ay isang malaking scam o panloloko at fake news po yang kumakalat na text,” pahayag ni Fr. Faller sa Radio Veritas.

Batay sa kumakalat na mensahe humihingi ng tulong ang isang indibidwal gamit ang pangalan ni Fr. Faller para tulungan ang batang kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.

Nilinaw ni Fr. Faller na wala itong kinalaman sa naturang mensahe at hindi ito nangangalap ng pondo para sa maysakit.

“Wala po akong kinalaman sa anumang panghihingi ng pera para sa maysakit; huwag po tayong paloko sa masasamang tao,” saad ni Fr. Faller.

Binigyang diin ni Fr. Faller na tungkulin lamang nito ang ipanalangin sa Diyos ang kagalingan ng mga may karamdaman at hindi ito lumilikom ng pondo para sa pagpapaospital.

Unang nagbabala ang simbahang katolika kaugnay sa paggamit ng mga manloloko sa pangalan ng simbahan at ng mga lingkod nito para makapanloko at manlamang sa kapwa.

Mariing kinundena ng simbahan ang mga ganitong uri ng gawain lalo’t ito ay nakasisira sa imahe ng indibidwal o ng isang institusyon.

Dahil dito pinag-iingat ni Fr. Faller ang mamamayan kaugnay sa panloloko gamit ang cellphone o anumang uri ng panghihingi ng pera habang nanawagan ito sa lahat na ugaliing beripikahin ang bawat impormasyong natatanggap upang makaiwas sa panloloko.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,349 total reads

 11,349 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,264 total reads

 67,264 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,630 total reads

 152,630 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,366 total reads

 199,366 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,238 total reads

 247,238 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,870 total reads

 347,870 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top