Executive order ni Duterte sa Freedom of Information, hamon sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Pinuri at pinasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng Freedom of Information.

Ayon kay Bishop Pabillo, malaki ang maitutulong ng naging paninindigan ng Pangulo upang tuluyang maisabatas ang panukalang Freedom of Information na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bayan na higit dalawang dekada nang hindi naipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado.

“Yun po ay magandang balita na pinanindigan ng Presidente ang isa sa mga pangako niya nung siya ay nangangampanya na kapag siya ay mahalal na Presidente ay ipapatupad ang FOI kahit na Executive Order lamang. Maraming salamat diyan at maraming salamat din kasi matagal na natin itong ipinaglalaban na magkaroon ng transparency sa governance at ang FOI ay isang paraan para magka-transparency sa governance…” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng Obispo na dapat magsilbing hamon para sa mga mambabatas partikular na sa mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging inisyatibo at pangunguna ng Pangulo sa pagpapatupad ng naturang panukala para tuluyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.

“Ito’y isang hamon rin sa mga pulitiko, lalong-lalo na sa Congress na siyang humaharang nitong FOI na nakaraan yung lower house na hindi makapasa dito. Ito’y isang dapat panawagan sa kanila na gumawa na ng legislation, ng batas, ng RA, hindi lang sapat ang EO o Executive Order, kailangan din natin ng R.A o Republic Act na maging batas talaga ang FOI para ito ay mananatili…” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Lumabas sa SWS survey noong nakalipas na taon na 56- porsyento ng mga business executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,268 total reads

 57,268 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 93,538 total reads

 93,538 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 128,837 total reads

 128,837 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,108 total reads

 355,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,328 total reads

 245,328 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top