Simbahan, dismayado sa pagbabawal ng pamahalan sa religious activities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 703 total reads

Ipinaliwanag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng simbahan sa lipunan.

Sa pagninilay ng Obispo, sinabi nitong ito ang dahilan ng pagtutol ng simbahan sa desisyon ng pamahalaan na ipagbawal pa rin ang misa sa mga simbahan sa pag-alis ng enhanced community quarantine.

“Mahalaga po ang misyon ng simbahan kaya tumututol tayo sa pamahalaan sa desisyon nila sa IATF (Inter Agency Task Force) na ipapahuli ang pagpayag ng religious services,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ikinalungkot ng obispo na mas pinayagan ng gobyerno ang pagbubukas ng mga tindahan, banko at maging ng mga minahan subalit itinuring ang religious services na kasabay lamang sa mga concert, sinehan at entertainment.

Iginiit ni Bishop Pabillo na higit na kinakailangan ang simbahan sa magpapalakas ng mentalidad at espiritwalidad ng mamamayan na apektado sa ipinatupad na ECQ kung saan mahigpit na pinaiiral ang stay at home policy.

“Church services are essential services because the mission of the church is to bring us to where Jesus is; ang misyon ng simbahan ay ipagpatuloy ang misyon at gawain ni Hesus na dalhin tayo sa Ama,” giit ni Bishop Pabillo.

Magugunitang binawi ng I-A-T-F ang naunang desisyon na payagan ang religious activities sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa panahong makababalik ang mga tao sa simbahan para sa sama-samang pagpupuri sa Diyos ay maging malakas, masigasig at masigla ang bawat isa.

Nauna nang pinuna ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang desisyon ng gobyerno na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga simbahan sa bansa ngunit mas pinaboran ang pagbubukas ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sumisira sa moralidad ng mamamayan.

Read: https://www.veritas846.ph/arsobispo-hinamon-ang-pamahalaan-na-bawiin-ang-go-signal-sa-pagbubukas-ng-pogo-sa-bansa

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,007 total reads

 2,007 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,816 total reads

 7,816 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,560 total reads

 45,560 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,830 total reads

 271,830 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,296 total reads

 165,296 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,949 total reads

 258,949 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top