Mamamayang apektado ng bagyong Ambo, ipinagdarasal ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,441 total reads

May 15, 2020, 2:08PM

Ipinanalangin ng obispo ng Calbayog ang mamamayang naapektuhan ng bagyong Ambo partikular ang ilang lugar sa Samar kung saan unang sinalanta noong ika – 14 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Isabelo Abarquez, nawa’y huwag mawalan ng pag-asa ang mga Filipino sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap na bukod sa bagyo ay patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa pandemyang bunsod ng corona virus.

Hinikayat ng obispo ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin sa Diyos na ipag-adya sa anumang kasamaan lalo’t higit sa krisis pangkalusugang naranasan.

“Sana hindi tayo mawalan ng pag-asa, patuloy tayong magdasal lalo’t mayroong dalawang kinakaharap ngayon ang COVID 19 at ang bagyong Ambo,” pahayag ni Bishop Abarquez sa panayam ng Radio Veritas.

Unang nag-landfall ang bagyong Ambo sa San Policarpo Eastern Samar kung saan dala nito ang malakas na ulan at hangin.

Batay sa salaysay ni Bishop Abarquez, naranasan ang epekto ng bagyong Ambo sa Calbayog Samar ganap na alas singko ng hapon hanggang maghahatinggabi kung saan nanalasa ang malakas na hangin dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar.

Aniya, wala pang naiulat na mga nasira sa kanilang lugar ngunit sinabi nitong ang mga residente sa coastal areas ay lumikas sa La Milagrosa Family na eskwelahan sa ilalim ng pamamahala ng mga madre.

Hamon ng obispo sa bawat isa na manalangin upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay.

“Hindi tayo pinababayaan ng Diyos, tuloy ang ating pagdarasal na sana malampasan natin itong COVID 19 tsaka yung apektado ng bagyo, sana sama-sama at magtulungan sa isa’t isa na makalampas na natural calamity na ito,” dagdag ni Bishop Abarquez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 1,287 total reads

 1,287 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 88,611 total reads

 88,611 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 125,984 total reads

 125,984 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 157,245 total reads

 157,245 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 229,969 total reads

 229,969 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top