Task Force VERITAS, nagbalangkas ng ipapatupad na requirements ng UST ngayong 2nd semester

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

May 18, 2020, 2:06PM

Alinsunod sa patuloy na ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine at pag-iingat mula pandemic na Coronavirus Disease 2019 ay naglabas ng mga panuntunan ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas para sa maayos na pagtatapos ng semestre ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagsangguni sa lahat ng pinuno ng academic units at mga student leaders ng unibersidad ay nabuo ang Task Force VERITAS (Viable Educational Response and Initiatives for Thomasian Academics and Stakeholders) na nagbalangkas ng Institutional Continuity Plan for Extended and Post-Enhanced Community Quarantine ng UST.

Nakapaloob sa naturang hakbang ang pagsasagawa ng remote teaching and learning upang maayos na maipagpatuloy at matapos ng mga estudyante ang mga course requirements ng ikalawang semestre nang hindi naisasantabi ang kaligtasan at kapakanan ng mga propesor at mag-aaral mula sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.

“The Institutional Continuity Plan for Extended and Post-Enhanced Community Quarantine was released by the University of Santo Tomas with inputs from heads of all academic units and in consultation with student leaders, among others. The rationale for the Institutional Continuity Plan is to continue the second term through remote teaching and learning to allow the completion of course requirements while at the same time considering the health and safety of everyone as a priority.”pahayag ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas.

Nasasaad sa Institutional Continuity Plan for Teaching and Learning ng UST ang pagsasagawa ng online classes sa pamamagitan ng UST Cloud Campus kung saan may dalawang pamamaraan na maaring gamitin ang mga propesor at mag-aaral ang synchronous at asynchronous.

Ang synchronous ay ang pagsasagawa ng online class ng live o real – time habang ang asynchronous naman ay self – paced.

Ayon sa UST Task Force VERITAS mahalaga na magkaroon ng mapagpipiliang paraan ang mga propesor at mag-aaral upang patas na matugunan ang sitwasyon ng lahat na maaring walang sapat na kapasidad upang makasabay sa mabilis na internet connectivity ng iba pang mag-aaral.

“Adjustments have to be made to accommodate the needs of the students and faculty members. The faculty members were also advised that the students, who may be feeling the stress brought about by this unprecedented global pandemic and other issues such as internet connectivity at home should be on a self-paced learning mode.” ayon sa pahayag ng University of Santo Tomas.

Inaasahan naman ang pagsasagawa ng UST ng special term sa Hunyo at Hulyo partikular para sa mga graduating students at sa mga curriculum na mayroong tatlong semester.

Magsisimula naman ang unang semestre ng Academic Year 2020-2021 sa buwan ng Agosto.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 650 total reads

 650 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,349 total reads

 5,349 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,382 total reads

 43,382 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,653 total reads

 269,653 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,119 total reads

 163,119 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,869 total reads

 256,869 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top