Apektado ng bagyong Ambo sa Quezon Province, tutulungan ng Diocese of Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,040 total views

May 19, 2020, 10:29AM

Tiniyak ni Gumaca Bishop Victor Ocampo na tutulungan ng diyosesis ang mga nasalanta ng bagyong Ambo.

Sa panayam ng Radio Veritas, nagpalasamat ang obispo sa Diyos dahil wala gaanong nasira sa pananalasa ng bagyo na naramdaman sa lugar noong Biyernes, ika – 15 ng Mayo.

Sinabi ni Bishop Ocampo na nakahanda ang social action arm ng diyosesis sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan na bahagyang naapektuhan ng bagyo.

“Purihin ang Diyos! Minimal damage lang sa Gumaca town, our Social Action Center will help them [victims],” pahayag ni Bishop Ocampo sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo ang ulat ni Rev. Fr. Rey Malimata ang kura paroko ng San Andres Parish na walang mga naitalang nasira sa nabanggit na lugar hindi katulad nang manalasa ang bagyong Tisoy noong Disyembre na labis ang pinsala sa Quezon province.

Sa ulat, tatlong bahay sa tabing dagat habang walong bahay naman sa kanlurang bahagi ng Gumaca ang bahagyang nasira dulot ng malakas na hanging taglay ng bagyong Ambo.

Dagdag pa ng obispo na sa bayan ng Mulanay 20 pamilya ang kinanlong ng parokya habang 200 indibidwal naman sa Catanauan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Ipinagpasalamat din ni Bishop Ocampo sa Diyos na walang naitalang nasawi sa kanilang lugar bunsod ng bagyo habang nag-alay naman ito ng mga panalangin para sa mga residenteng higit na naapektuhan partikular sa Eastern Samar at ilang lalawigan sa Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 5,532 total views

 5,532 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 27,537 total views

 27,537 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 51,879 total views

 51,879 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 76,058 total views

 76,058 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 111,521 total views

 111,521 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top